Special POVs

2.9K 124 24
                                    

Habang ginagawa ko ang POV ni FAN naiiyak ako :c Reality strikes.

kai;;

"I've made my decision." Ang palaging sinasagot ko sakanila sa tuwing tinatanong nila ako sa kung ano na ang desisyon. Dati ay nagsalita na ako sa media at sinabing hindi na ako pipirma pa. Pero pagkatapos ng araw na 'yun, imbes na magawa kong kalimutan si Janey ay mas lumalaki pa ang nararamdaman ko para sakanya. Hanggang sa dumating na sa point na.. alam ko.. alam kong kaya kong isakripisyo ang lahat para sakanya. 'Isakripisyo ang lahat' hindi ibig sabihin ng katagang 'yan, iiwan ko ang EXO. Ibig sabihin niyan.. gagawin ko ang lahat para maprotektahan siya.

Ang dedisisyon ko ay ang pumirma at manatili sa EXO. Dahil kung umalis ako.. hindi lang ang EXO ang maiiiwan at mawawala sa akin. Alam ko, pati siya. Pati si Janey ay maiiwan ko. At kung mangyari 'yun, hindi ko magagawa ang gusto ko. Ang protektahan siya.

Nang dumating na si Baekhyun na hingal na hingal pa ay alam ko nang nandito na rin si Janey. Kaya naman nang magbukas ang pinto, hindi na ako nagulat na nandoon si Janey. Ang ikinagulat ko ay kung bakit nandito si Mina. Matapos magtagpo ang tingin namin ni Janey ay napatingin ako sa direksyon kung nasaan si Mina. Hindi ako makapapayag na guluhin niya si Janey. Hindi ako makapapayag na dahil sakanya, mawala lahat ng pinaghirapan namin ng EXO. Hindi ako makapapayag na dahil sakanya, mawala ang taong mahal ko. Napahigpit ang hawak ko sa kontrata ko. Dala-dala ko 'to dahil gusto kong ipakita 'to kay Janey. Gusto kong maintindihan niya ang lahat. Gusto kong ipaliwanag sakanya.

Nagtagpo muli ang tingin namin pero iniwas ko rin kaagad nang makitang nakatitig din si Mina sa akin. Gustong gusto ko nang lapitan si Janey ngayon, hilahin at yakapin pero hindi ko magawa. Hindi sa harap ng media, hindi sa harap ni Mina. Ayokong malagay sa pahamak ang buhay ni Janey. Okay nang ako ang pagkaguluhan ng mga reporters at ng media... 'wag lang si Janey. Nang iiwas ko na ang tingin ko sakanya'y humakbang na ako para lumayo pero napansin kong wala na si Luhan sa tabi ko  at mabilis na lumakad papunta kay Janey.

Nasaktan ako. Dapat ako ang nandoon at pinupunasan ang luha niya. Pero ano ako? Nasaan ako? Nakatunganga. Nasasaktan.

Tila may sariling utak nalang ang paa ko at kusang lumakad papunta kay Janey. At dahil doon, nagawa ko ang matagal ko nang gustong gawin. Ang mayakap siya, ang sabihin ang lahat sakanya. I was able to explain and she was able to understand.

She's willing to wait.

Kadalasan sa mga nagiibigan, ang lalaki ang kailangang maghintay. Pero sa amin, dahil mahal na mahal namin ang isa't isa, kahit sino sa amin willing maghintay. Dahil kung susuko ka lang at hindi susubukang maghintay, walang mangyayari. Sa buhay, bago mo makuha ang gusto mo, kinakailangan mo munang paghirapan ito. Para worth it. Para deserving.. to be yours.

Sa anim na taong naghintay siya, marami pa ring pagsubok na dumaan. Marami pa ring problema. Pero dahil sa pagmamahalan namin at dahil marunong kaming maghintay, nalagpasan naming lahat 'yun.

fan's pov;;

Isa akong taga-hanga. Hindi man ako palaging makikita sa mga concert o shows nila, isa akong taga-hanga. Isa akong fan. At sa pagiging fan, may isa akong pangako. And that is: to support them always. Kung kakayanin ngang forever.. gagawin ko.

Pumunta ako sa show kung saan gaganapin ang birthday ni Kai. Ang iniidolo ko. Nang lumabas na siya at tumapak na sa entablado ay nagsigawan na ang mga kasama ko, ang mga katulad kong tagahanga rin niya. Nakita ko ang mga ngiti sa mukha niya. Ang ngiting iyon ay kakaiba kumpara noong anim na taon na ang nakaraan. Sa mga ngiting 'yun, malalaman mong may kakaiba. Masasabi mong may isang taong nasa likod ng mga ngiting ito. At bilang isang tagahanga, sa totoo lang at aaminin ko: masakit. Masakit isiping may iba pang nagpapasaya sa iniidolo mo. Maaaring parati nilang sinasabing ang fans ang nakapagpapasaya sakanila at ang fans, kaibigan at pamilay ang dahilan ng lahat ng ngiti nila.. alam ko pa rin ang totoo. Dahil kagaya ko--natin, tao rin sila. Kagaya ko, may iniidolo rin sila. Kagaya ko, nagmamahal rin sila. Tao rin sila.. lahat ng nangyayari sa atin ay ppwedeng mangyari sakanila.

"I'm engaged." dalawang salitang nagpagulat sa aming lahat. Dalawang salitang nagbigay ng isang malaking warak sa puso ng nakararami--ng mga fans (katulad ko). Masakit malamang may mahal na siya. Pero masayang malamang masaya siya.

Bilang isang tagahanga, i need to accept.

Kailangan kong tanggapin ang kinaibahan ng realidad sa pangarap at sa pantasya.

Sa loob ng mahigit pitong taong iniidolo ko sila ay alam kong marami akong hindi alam sakanila. At nangunguna doon ang kwentong pagibig nila. Kaya ngayong lumantad si Kai, hindi na ako nagulat pa.

Lahat ng tao naiinlove.

Lahat ng tao.. gusto ng isang normal na buhay pagibig.

Sa ginawa nilang ito. Dalawa ang napatunayan nila. Una, matapang sila. Dahil bilang isang babaeng minamahal ng isang idol ay mahirap. Maraming proseso. Kailangan ng mahabang pasensya at ng malaking intindi. One must be patient and understanding to survive having a relationship with an idol.

Pangalawa, napatunayan ng kaganapang ito kung sino nga ba ang totoong taga hanga. Ang mga taong ngumiti nang umamin at lumantad siya, ay ang mga totoong taga suporta't tagahanga. Ang mga taong umalis naman at nagalit.. hindi natin sila matatawag na hindi totoong tagasuporta. Dahil totoo nga naman.. mahirap ang malamang may espesyal nang minamahal ang iniidolo mo. Pero kahit na anong mangyari... we must learn to accept reality. Kahit na alam nating masakit ang realidad na iyon. 

✧   ✧   ✧    T h e E n d     ✧   ✧   ✧

Author's Note: Inaasahan ko ang mga komento niyo :) Sana kahit papaano ay nag-enjoy kayo sa story na 'to. Wala ng book 2, sorry huhu. Bigyan na natin sila ng happy ending na ganyan. Baka bigla akong magdrama at paghiwalayin sila. Jk. Makikita niyo nalang sila paminsan-minsan sa istorya ng kakambal ni Janey (Si Jessie) sa Tried and Tired na story. Kasi doon ipapakita kung ano yung mga kaganapan sa 6 years na nagdaan. Ibang iba ang storyang 'yun sa storya na 'to. Basahin niyo rin sana 'pag may oras kayo :)

KONTING PATIKIM:

                                                                          Tried and Tired

"Loving someone who doesnt love you back is like hugging a cactus.  The tighter you hold on, the more it hurts."

                                      --------------------------------------------------------------------------------

"It hurts the most to see the one you love loves someone else."

                                      --------------------------------------------------------------------------------

Isa lang ang sinusundan niya. Isa lang ang nakikita niya. At malamang, hindi ako 'yun. Masasabi kong magkamukha kami ng babaeng 'yun, magkaugali.. medyo. Parehas nga kami ng apelyido. Pero hindi kami iisang tao. Siya si Janey Jung, kakambal ko. Ang babaeng minahal at kasalukuyang minamahal ng taong mahal ko.

                                      --------------------------------------------------------------------------------

Parehas kami ng pinagdadaanan.

Ako, nakikita't pinapanood siyang mahalin ang kakambal ko.  Siya naman, nakikita't pinapanood ang kakambal kong mahalin ang kaibigan niya.

I'm Not Your Sasaeng Fan (Kaistal)Where stories live. Discover now