Chapter 8

4.3K 150 17
                                    

Dedicated sa diyosang bea bcos she made my fabulous book cover and the poster sa right side :)

***

Umagang umaga, mukha agad ni Kai ang bumungad sa harap ko. Jongina! Araw araw nalang ba!? Tsaka what the faaaak? Ginagamit ko na ang mura ng mga exo stans? JONGINA? Seryoso? At pangalan pa niya? Pfsh.

"Ang aga aga iniisip mo ako." Napatingin ako sakanya at ramdam ko ang paginit ng pisnge ko. Putahamnida, okay ayan na ha! Hindi na jongina. -__- Pero puta talaga, bakit naginit pisnge ko? Tch, katawa.

Tinignan ko lang siya ng masama at tinuro ko ang pintuan na papasok sa kwarto niya.

"Nagpapabuhat ka ba papunta sa kwarto ko?" He asked with his amused smile. Napalunok nalang ako at napairap ulit.

"Pwede ba wag ka papasok dito sa kwarto ko ng walang permiso." Umupo na ako at naginat pero hindi pa rin siya umaalis.

"Seriously?" Babatukan ko na sana siya pero biglang pumasok si mama at yeah sinermonan ako at kinampihan ang jonginang to.

"Oy oy oy bata ka talaga, babatukan mo ang dance mentor mo?" AND THAT'S WHEN IT HIT ME. Oo nga pala. Ginawa nga pala niyang reason yun. Nakakainis. Sana hinayaan ko nalang na mapagalitan ni mama kagabi kesa na ma-stuck ako ng buong buwan dito sa pagpractice at pagturo ng jonginang to.

"Eat your breakfast and we'll start at 8am." Pinat niya ako sa balikat at nag wink pa. Binato ko siya ng unan.

***

Pagkatapos ko maligo at magayos bumaba na ako nagulat na nga lang ako nung makita kong 8:25AM na. Kaya pagbaba ko mismo ng living room, naka crossed arms na sinalubong niya ako at hindi pa nga nakakaprocess ang utak ko lumabas na siya kaagad at sinabing dalian ko daw pupunta na daw kami sa Dance studio ng school.

"Kainiiiiiiiis hindi ko naman kasi kailangan ng Dance Mentor!" Sinabi ko na nakataas pa ang kamay ko. Kita ko naman ang pag ngiti niya na hindi mo alam kung anong klaseng ngiti. Nakakainis!

"Anong nginingiti ngiti mo hah?"

"Pag makita kong magaling ka naman talaga edi go, i won't mentor you." Mayabang niyang pagkasabi. Eh futaaaaa magaling nga ako! Hindi lang talaga ako umattend sa mga practices nun kaya hindi ako pumasa sa Dance Performance Task namin.

Napa-irap nalang ako ng bongga.

Pagkapark ng sasakyan niya, napaka gentleman niyang iniwan ako sa loob. Ni hindi man ako pinagbuksan ng pinto.

Nakakainis.

Pero nakakainis kasi bakit ba gusto kong pagbuksan niya ako? Gagu lang. Kaya bumaba na ako at as usual ang mga Fans niya halos patayin na ako sa titig. Hindi ko nalang pinansin, nasasanay na din kasi ako.

Pagpasok ko ng Dance studio, nakaupo lang siya at hawak-hawak niya ang ipad niya. Kaya naupo na din ako. Pero alam niyo yun!? Hindi pa nga nararamdaman ng pwet ko ang matigas na sahig bigla niya akong sinita.

"What are you doing? Go prove to me na hindi mo na kailangan ng mentor." He said with his amused smile and face again. 

Ang yabang yabang. AAAHHHH JONGINA JONGINA KA TALAGA!

Kinuha ko kaagad yung ipad ko at nag browse ako sa mga vids ko. Nakita ko ang nirecord naming performance ng grupo ko. Clinick ko ito at plinay. -----> SA MULTIMEDIA YUNG VID!

"AYAN! TIGNAN MO ANG AWESOMENESS KO." Halos madura ko sakanya lahat ng laway ko kasi nakakajirits siya. Hindi siya bilib na may talent ako. Kinuha naman niya ito ng parang walang kagana-gana at tinignan na.

Pero hindi pa nakaka isang minuto na nag p-play ang video, napaiwas ang tingin niya sa video at parang naiilang na binalik sakin.

"Fine." Sabi lang niya at bumalik na sa paglalaro sa ipad niya.

"Fine??? What? Parang ewan naman, hindi mo pa nga natatapos eh!" Prostesta ko. Para namang sinasabi niyang ang boring boring ng video eh ang sexy ko kaya jan! Bwahahaha.

Lumapit ako sakanya at agad naman siyang tumayo at parang tinatakwil ako. "Wag kang lalapit." Tinaas niya ang kamay niya.

"TAPUSIN MO NA KASI!" Nakakainis talaga siya!

"Ayoko!" Pagmamatigas niya. Letseeeeeeeeeeeee.

"Tsk! Kainis!" Napaupo na ako this time at napa-pout nalang na hindi ko namamalayan. Bigla ko namang narinig ang pag mura niya something like, "shit" Kaya napatingin ulit ako sakanya.

Buset. ano nanaman ba ang ginawa ko?

"Didnt I told you before? Don't do that." Mga limang segundo din nag buffer ang utak ko at agad akong umayos ng upo at tinanggal na ang pag pout sa bibig ko.

Because last time I pouted, he kissed me.

"Tss tatapusin mo lang kasi." Nabulong ko nalang.

"Wala bang iba? Yung.. yung ma-hiphop naman?" Tanong niya at doon ako biglang nagkakutob. Wahahahahahahahaha!

"Bakit? Nakaka-akit ba ang kasexy-han ko dun sa video?" Halos matawa-tawa kong tanong sakanya. Don't tell me may ganung effect pala ako sakanya? Hahaha.

"What?! H-hindi ah!" Halatang hatala kong nagsisinungaling siya kasi bigla siyang napa-hawak sa batok niya at napaiwas pa ng tingin sakin.

"Hehehhe gusto mo sayawin ko yun ngayon dito? With that outfit pa?" Biro ko sakanya na ikinalaki ng mata niya. Omg nakakatuwa siya! Hahahaha. Tawa na ako ng tawa as in halos mapahiga na ako sa tawa hanggang sa narinig ko nanaman siyang nagmura.

"Shit"

Kaya napatigil ako.

"Can you please stop smiling, laughing, pounting and acting cute when i'm around?" Bigla akong napatigil pati ang pagikot ng mundo at pagikot ng orasan tumigil na din.

"W-what?" This time, ako naman na ang nauutal. Jongina! Jongina! Lumayo ka!

"Shit" Mura ulit niya.

Magsasalita pa sana ako pero itinaas niya ang hintuturo niya at naramdaman ko nalang to na nakalapad ito sa labi ko.

"Don't say anything." Bulong niya and then...

He hugged me.

I'm Not Your Sasaeng Fan (Kaistal)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora