Tagus sa Puso ♥ [2]

11.8K 119 0
                                    

Chapter [17]

Stephen pov

Umopo ako sa tabi nya hinawakan ko yung mainit nyang kamay.

"Im sorry Samantha" sabi ko.

Dahil pag gising nya siguradong hindi ko na naman mabibigkas yung mga katagang yun. Pagtingin ko sa braso nya na hinatak ko kanina sobrang pula pa pala. Anu nga bang ginagawa ko kay Sam? Inosente sya, oo. Wala syang kasalanan sa awayan ng pamilya namin, oo. Pero bakit ko nga ba sya pinahihirapan ng ganito.?. Niyakap ko sya ng mahigpit dahil pag gising nya hindi ko na to magagawa pa. Napatitig ako sa mukha nya. Naalala ko tuloy yung mga panahon na pumupunta ako sa bahay nila. Pag nag babasketball kami ni Ramon, kahit nasa kwarto lang sya alam kung sumisilip sya sa bintana at nanunuod ng paglalaro namin ng kuya nya. Si Sam na maganda, mabait, matalino, mapagmahal. Si Sam na nilalayo ko sa mga manliligaw nya. Si Samantha Sanduval ay minsan ko ng minahal. Pakiramdam ko nung nakita ko sya ulit, nung pumunta sya ng office ko!! Pakiramdam ko tulad padin ng dati ang tibok ng puso ko pag nakikita ko sya noon.

Flashback

"Stephen" tawag ni Ramon sakin.

"oh !! bakit pare"

"alam kong mahal mo ang kapatid ko Stephen, kaya sayo ko sya pinagkakatiwala. Pag dumating man yung panahon na manligaw kana sa kanya at sagotin ka nya, sana di mo sya saktan"

"pangako Ramon hinding-hindi ko sya sasaktan"

"oh Stephen Ramon meryenda na" tawag ng ate Aloha ko samin Kaya naman lumapit kami ni Ramon. Pangalawang meet pa lang nila ng ate Aloha ko at Ramon dahil nga galing pa sa ibang bansa ang ate ko. At sa titig pa lang ni Ramon alam ko ng nain-love sya sa ate ko at the second sight. Hinayaan ko syang ligawan ang ate ko kasi tulad nga din ng pangako ko sa kanya na hindi ko sasaktan si Sam yun din ang pangako nya sakin. Pero anung ginawa nya? Pinaasa nya lang ang ate ko at sinaktan.

End of flashback

Alam kung matagal na panahon na yun pero sa tuwing naaalala ko yung ginawa nya bumabalik padin yun galit, yung sakit dito sa puso ko para kay Ramon at sa pamilya nya. Tumayo agad ako at bumaba, gusto kong uminom eh. Tinuring kong kapatid yun eh pero anung ginawa nya??Pinagkatiwala ko ang ate ko sa kanya.

She's My Sexy Slave [Away Pamilya]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon