Ang Pagbabalik ng Nakaraan

8K 78 0
                                    

Chapter [45]

stephen pov

bago ako pumasok sa office sakto naman na pinapatawag daw ako ni mama. may pag-uusapan daw kami. pero hindi pa kami nagsisimula ni mama, dumating ulit si mel.

"ano yun mel?" tanun ni mama

"sir may naghahanap po sa inyo sa labas at ang sabi po *lunok* pinapapunta daw po sya dito ni

sir Ramon"

nagkatinginan kami ni mama. bigla na naman akong nakaramdam ng galit at poot sa puso ko. nakuyum ko ang mga palad ko pero hinawakan ni mama agad yung mga kamay ko.. para makontrol ko ang galit ko, ganun naman palagi ginagawa ni mama eh.. buhay pa pala ang hay*p.

"sige papasokin mo sya" utos ni mama kay mel

"sige po" sagot naman ni maelissa at pagbalik nya kasama na nya ang isang matandang babae.

"a..aahh mawalang galang na po" basag ni mama sa katahimikan. ayukong magsalita baka masigawan ko lang itong babae.

"ano po bang sadya nyo dito?"

"ah mam pinapapunta po ako ni ramon at--" sabay labas nya sa isang maliit na papel

"ito po ang address na to ang binigay nya sakin at hanapin ko daw po ang kaibigan nyang si stephen" baba.

kaibigan??

"at bakit naman nya kayo pinapapunta ng hay*p na yon, ha!!" sigaw ko na sa kanya.

"aaa.aaahh sir kahapon po kasi wala syang kasama sa bahay dahil hindi naman sya masyadong makagalaw, pinilit nya pong mag cr at----- at hindi po namin inaasahan ng asawa ko na mababagok sya at maaalala nya kung sino talaga sya at kung saan po sya nakatira. ito po ang address na binigay nya"

sa sinabi nya bigla akong naguluhan. nabagok?? naalala ang nakaraan nya?? hay*p sya, anung pinagsasabi nya!!! para ba lin langin ako???? at para makalimutan ko ang pag iwan nya sa ate ko? naguguluhan na din si mama.

"ano pong ibig nyong sabihin?" mama

"mam napulot lang po sya ng asawa ko sa basurahan na puro sugat dahil sa pambobog bog sa kanya. hindi nga lang po nakita ng asawa ko kung sino ang bumugbog sa kanya mam. basta natagpuan nya non si jay na halos wala ng buhay at---"

sa mga narinig ko biglang nanlumo ang katawan ko. si mama naman naiyak na.

"bakit di nyo nireport??" sigaw ko na sa matanda.

"sir ni report po namin kaya lang po sabi sa barangay namin na walang nag report sa kanila na may nawawalang lalake. at naisip po ng asawa ko na baka may gustong pumatay sa kanya dahil nakadamit pangkasal pa sya ng matangpuan ng asawa ko"

"nakipagtanan sya" sagot ko

"nagkakamali po kayo sir dahil yung mga panahon na yun ni sarili nya hindi nya makilala at----"

"asan sya ngayon?"

"sa bahay po namin sir at kung susunduin nyo po sya kelangan po ng sasakyan, dahil sa hindi pa sya gaanong nakakagalaw mag isa."

"sige tara na. ma patawag kay sam sabihin mong pumunta sya dito wag mong paalisin hanggat wala pa kami mama. dito lang sya dapat mag hintay" paalam at bilin ko kay mama at pinapili ko na yung babae ng sasakyan na pwedeng mapagsakyan kay ramon.

 

She's My Sexy Slave [Away Pamilya]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon