Si Stephen na Lang

5.4K 40 0
                                    

Chapter [73]

Stephen p-o-v

Hooo!!! Ilang araw at lingo nadin ata akong di nakauwi dito sa bahay namin ni Samantha  kaya naman naisipan ko ngayon na dito muna magpahinga, kasi mula ng umalis si sam halos sa mansion na ako noon eh.. at eto hihiga na –aaaahhhh—ng biglang may kumatok sa baba.. kainis.. kaya naman tiklop ang mukhang kung bumaba sino ba naman kasi ang hindi? Eh nag sabi na ako sa mansion na ayaw kung madisturbo kasi magpapahinga ako diba?

“ano bang-----“ hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang may babaeng yumakap sakin at isinuksok talaga ang ulo nya sa mga ABS ko [pilerrrr]

“*sob*”

“rose ?? anung ginaga-----“

“please stephen *sob* kelangan kita ngayon. Wala akong kakampi *sob* wala si kuya Stephen.. *sob* pinaniwala nilang wala na akong mga magulang Stephen *sob* yun pala buhay pa sila *sob* pinaniwala nilang pinulot lang nila ako sa kung saan *sob* niloko nila ako” sabi nya na umiiyak padin at sobrang higpit ng yakap nya sakin.. parang batang nagsusumbong na inagawan sya ng laruan.. pero anong sinasabi nyang niloko sya??

“rose hindi kita maintindihan”

“Stephen *sob* buhay yung tunay kong ina at pinaniwala lang nilang patay sya.. ayaw nila sakin *so9b* Stephen ganun nab a ako kasama para ayawan nila akong sarili nilang anak ha?”

            Sa mga narinig ko bigla akong nakaramdam ng awa, dahil alam ko kung gaano nya pinangarap n asana buhay pa ang parents nya, alam ko kada b-day nya na ang mga wish nya para lamang sa mga ito at hindi para sa sarili nya, alam kung gaano sya nag hirap nung mga panahon nay un, dahil bata pa lang kami kaibigan ko na sya, pero umalis sila ng bansa nawalan kami ng kummunikasyon ,pero bago sila umalis nangako sya sakin na babalikan nila ako ni greg at dahil sa pangakong yun bumalik nga sila.. ginago naman ako ng kapatid nya pero kahit ganun , walang kasalan si rose sa mga kasalanan ng kuya nya…

“tara sa loob, pasok na muna tayo” sabi ko sa kanya at inalalayan ko na sya papasok, pina upo ko na sya sa sala at binigyan ng tubig, kasi hikbi sya ng hikbi..

***

“sa..salamat Stephen”

“walang anuman rose alam ko naman ang nararamdaman mo sa ngayon, at sorry dahil sunod sunod na di kaaya aya ang mga nagyayari sayo ngayon at sa pamilya mo”

“sa..lamat”

Sa ngayon magkatabi kami sa sopa pero syempre hindi na tulad ng dati ..

“gusto mo ng meryenda?” tanung ko sabay tayo na pero hinawakan nya yung kamay ko

“please wag mo akong iwan dito ka na muna” sabi nya na may namumuo na namang luha sa mga mata nya.. kaya naman wala na akong nagawa kundi umupo ulit.. pag kaupo ko hindi pa sya nakuntento dahil sumiksik pa sya sakin na animoy batang hindi appayag na makatakas ako na iwan sya

“Stephen please kahit ngayon lang ito” sabi nya sabay patong ng ulo nya sa balikat ko at higpit nya ang braso ko ng sobrang higpit…

***

Ilang oras na kaming ganito ng namalayan kung unti-unting bumibigat ang ulo nya. Habang tinititigan ko sya may mga luha pa ding umaagos sa mga mata nys.. kaya naman dahan-dahan ko syang binuhat para madala ko sya sa kwarto.

            Naaawa ako sa kanya ngayon ,kahit alam ko yung mga ginawa nyang pagpapahirap nuon kay Samantha,.. naaawa padin ako sa kanya sa kabila ng lahat ng yun, na saktan nya ang babaeng mahal ko.. inayos ko yung ilang buhok na nakatakip sa mukha nya.

            Parang nakakabatang kapatid padin talaga ang tingin ko sa kanya. Nagging kami lang dahil sa takot kung magtangka syang magpakamatay at mabaliw na naman tulad ng dati nung malaman nyang ampon lang sya at patay na talaga ang parents nya.. hindi nya nun nakayanan yung sobrang lungkot na nararamdaman nya, kaya nabaliw sya noon..

            Nagkakadikit man ang mga balat naming pero iba talaga pag si samantha na.. ibinaba ko sya na dahan-dahan sa kama at kinumutan ko sya at dumiretso nadin akosa kwarto ko..

She's My Sexy Slave [Away Pamilya]Where stories live. Discover now