Flashback !! [2]

9.5K 86 2
                                    

Chapter [28]

"Ate kain kana po" sabi ko kay ate kahit nakalock padin yung pinto nya. ayaw naman pabuksan ni papa at mama, dahil masakit daw ang nangyari kay ate. Walang araw na hindi sya naririnig na umiiyak mula sa kwarto nya.

"anak hayaan mo muna ang ate nyo" papa

"pero papa ilang araw ng---"

"Stephen anak intindihin mo na lang ang ate mo... Sa ginawa nila sa ate mo magbabayad sila at sa pagpapahiya sa pamilya natin anak" tama si papa, magbabayad sila.

Mula non tumubo natin dito sa puso ko ang malaking poot galit para sa mga Sanduval. Paggising ko naman ng umaga nagkakagulo sa mansyon nawawala daw si ate kaya dali-dali akong nagtungo sa kwarto ni ate wala nga sya doon. Wala naman daw nakakita na lumabas sya ng hacienda kaya dito kami maghahanap sa hacienda ngayon.

"mama nasan na ba si ate"

"anak hanapin na lang ang ate mo baka nagpahangin lang yun."

nagnod nalang ako sa sinabi ni mama nang biglang may sumigaw na nakita na raw nila si ate Aloha.

"senyora dito po ang daan" sa tinuro nilang daan.

Sumunod naman kami ni mama, pero hindi makagalaw. Bakit sila umiiyak. Dahan-dahang lumapit si mama sa bangin kahit nanginginig na sya at bigla syang umiyak.

"aloha anak kooooo" sigaw ni mama

kahit di ako makalakad pinilit ko, kahit ayaw kong tumingin sa bangin pinilit ko. At doon nakita ko si ate.

"ateeeeee!!" sigaw ko

"Stephen anak"

"bitawan nyo ako. ang ate ko, dalhin sa ospital. Mama nasan na ba si papa! Kayo !! hanapin nyo si papa. Bitawan nyo ako" sigaw ko na umiiyak na, at nagwawala na talaga ako.

nung nakawala ako sa mga tauhan namin dali-dali akong bumaba kung nasan si ate kahit delikado wala akong pakialam.

 

She's My Sexy Slave [Away Pamilya]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon