Welcome to the Family Baby!!!

4.5K 38 9
                                    

Chapter [85]

 

Samantha pov

Nakatulog lang ako bagong umaga na naman.. pagbaba ko ng kama agad ko nag ginawa ang araw-araw kung routine na ginagawa. Magdidilig pala ako ngayon. Baka malapit nang mamulaklak yung mga alaga ko doon eh..lumabas ako sa kwarto ko at napansin ko agad ang katahimikan. Nasa hagdan na ako ng mapatingin ako sa kanilang lahat, nakatingin sila sakin na may mga ngiti sa labi.. as in nasa baba sila ng hagdan , anung meron ditto---

*booom booom booom* yan tunog ng diko alam yung pangalan basta yung ginagawa pag may party.pero wala nam---

“WELCOME TO THE FAMILY BABY UMAH UMAH UMAH” sigaw nilang lahat.

Sa sinabi nila bigla kong nahawakan ang tyan ko. At naramdaman ko na lang ang nag uunahang pagtulo ng mga luha ko.. nagpatuloy ako sa paglalakad pababa ng hagdan at pagbaba ko nakita ko sina mama at papa naiiyak din sila. Agad nila akong niyakap.

“surprise anak” masayang sabi ni mama sakin may hawak-hawak syang unan para sa baby tapos niyakap nya ako ng sobrang higpit ako naman iyak na ng iyak.

“anak wag ka ng umiyak jan, baka mamaya ganyan na ang mukha ng apo ko eh”napangiti ako sa sinabi ni papa.pinunas nya yung mga luha kung umaagos sa pisngi ko pero patuloy padin sila sapag agos..

“ate congrats ako ang ibibigay ko kay baby ay crib “ sabi ni Justine na niyakap din ako . ang swerte ko sa pamilya ko..

“ate may bear kami ibibigay kay baby”sabi ni jay sabay pakita nung bear na hawak nya.

kambal din ate tulad namin ni jay”sabi naman ni joy.. niyakap ako ng kambal..

“at ms. Buntis ito naman ang ibibigay ko sayo” sabi ni ate sabay abot nung paper bag at ang laman po nun aymga damit pang buntis. Lumapit din si ate sakin at niyakap ako.

“diba Samantha ang sabi ko sayo kahit anung mangyari nanditolang kami para sayo” pagkasabi nun ni ate kumalas sya sa yakap at agad nyang pinunas yung ilang butil ng luha nya siguro ayaw talaga nyang ipakitang naiiyak sya dahil sakin. Sa mga sinabi nila mas lalo akong naiyak..

Sana…..sana noon ko pa lang sinabi sa kanila,sana sa simula pa lang eh, di sana lagi akong may karamay pag nasasaktan ako o di ko na kaya diba? Ang tan*a ko talaga. Bakit ko kinalimutang may pamilya akong nagmamahal sakin. Nakakainis talaga ako…. Bakit ko ba sinosolo ang mga problema kung nandito naman sila? Anu na lang ang pakiramdam nina mama at papa ngayon.. baka isipan nilang napakawalang kwenta nila dahil sariling anak nila hindi nila matulungan sa problema..

“so..so…sorry po mama papa*sob* sorry sa inyong lahat *sob* sorry dahil sa katangahan ko nakalimutan kong may pamilya akong hindi ako pababayaan *sob*”

“ssshhh anak wag ka nangang umiyak tignan mo nga ang mga kapatid mo naiiyak nadin sayo eh, tyaka wag mo sasabihan ang sarili mo na tan*a ka . dahil hindi yan totoo.ayoko ko nang marinig na sasabihin mo yan anak” awat sakin ni mama sabay pahid nya sa mgaluha ko sa pisngi. Iyak padin ako ng iyak dahil nagui guilty ako, pero pinilit kong ngumiti sa kanila at sabihan sila ng thank you. niyakap ko ng mahigpit si mama at nagpasalamat ako, nagpasalamat ako sa kanilang lahat. Ganito pala, ganitopala ang pakiramdam nang may nililihim tapos masasabi mo nakung kanino mo ito nililihim. Ang gaan .. ang gaan gaan sa pakiramdam.

She's My Sexy Slave [Away Pamilya]Where stories live. Discover now