Ang Katotohanan !!!

5.4K 51 5
                                    

Chapter [72]

 

Rose –p-o-v

 

Umhf wala si daddy ngayon dahil sabi nya nung galing kami kay greg nasa business meeting sya this date, kaya naman sigurado akong naiwan si mommy at baka nandoon sya ngayon kaya naisipan ko syang ipagluto .. kaya naman maaga akong nagising at pinag luto sya..

“ayan tapos na” sabi ko sabay punas ng pawis ko.. at inihanda ko na ang trey..

***

Pagkaakyat ko hindi na muna ako pumasok ng may marinig akong nag uusap at mejo nakaawang ang pinto kaya naririnig ko ng maliwanag ang mga pinag sasabi nilaaaaa…

“ate mag kakaanak na sya, mag kakapo kana hanggang kelan mo balak ilihim sa kanya ang totoo..”

“kuntento na ako sa ganito loida.. malapit sa kanya bilang taga bantay nya , taga alaga.. mas gugustuhin ko pa ang ganito kesa sa malaman nya ang totoo. At hindi ko man lang sya mabigyan ng buong pamilya..”

“kuntento ka? O takot ka lang malaman nya kung sino talaga ang tatay nya…”

“oo!! Takot ako.. takot ako na hindi sya tanggapin ng tatay nya, takot akong hindi sya mabigyan ng buong pamilya. *sob*Takot akong hanapin nya kung sino ba talaga ang tatay nya.. takot ako na malaman nyang nabuo lang sya dahil sa kag*g*han ko *sob* , dahil sa sobrang pagmamahal ko sa tatay nya.. kaya kahit na may ibang pamilya na sya gumawa ako ng paraan para magkita kami ulet.. *sob* natatakot akong gampanan ang pagiging ina sa kanya dahil alam kung hindi ko deserve ang maging ina nya.. *sob*”

“sorry ate.. sorry napaiyak na naman kita.. ate ikaw ang nagpalaki sa kanya at nag alaga at masasabi kung deserving mo ang maging ina nya, dahi nagap panan mo na ang pagiging ina kay rose , kaya matagal mo ng nagampanan yun ate *sob*”

BOOOOOGGGSSSHHHHH”

Sa mga narinig ko bigla akong nanigas, pero ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko kaya nabitawan ko ang hawak ko…

“rose!!!” sabay silang napalingon sakin..

“kanina ka pa ba---“ narinig kung sabi ni yaya pero hindi na ako nakinig sa anumang sasabihin nila ni mommy dahil tumakbo ako palabas ng bahay hanggang sa kaya ko..

PANONG---ang isang ina kayang iwan ang anak dahil lang sa takot sya sa mga darating na problema sa kanilang mag-ina??

            Hindi sya patay? Pinaniwala nilang patay na ang mga magulang ko at pinulot lang nila ako sa kung saan , kaya inampon lang nila ako.. iyak ako ng iyak na lumabas ng bahay, hindi ko alam kung saan ako ngayon tatakbo.. basta ang alam ko lang gusto ko sana sa lugar na wala silang lahat , pero wala si greg , san ako tatakbo neto..

MAY ALAM BA KAYO?? KUNG SINO TALAGA ANG TATAY NI ROSE??? ABANGAN LANG PO ^___^ .HULAAN NYO KUNG SINO HEHEHEHE

She's My Sexy Slave [Away Pamilya]Where stories live. Discover now