Chapter 5 : Party of HT's and GF's

980 40 5
                                    


*Loisa POV*

         Akala niyo sila lang, hindi naman maaari yun, edi sana sila nalang nasa story. Papunta ngayon ako kina Maris para sunduin siya, tinatamad nanaman kasi yung babaeng yun magdala ng sasakyan. So I decided na gumawa ng paraan para hindi siya masundo. So I texted Manolo. Si Manolo matagal ng nanliligaw kay Maris, since 2nd year High School pa kami, e 4th year na kami wala parin, umaasa kasi yung babae na yun na mapapansin siya ni Marc Carlos.
Kakagising ko lang kasi kaya sa kanya ko na siya papasunduin. Pagbangon ko 6:30 na. Oh my, late na ako,

To : Manolo


Pakisundo si Maris, pakisabi na malalate na ako ng dating sa Party dahil kakagising ko lang, maliligo muna ako at mag aayos. Salamat :)


 Then he replied.

From : Manolo


 Ok, sige, pupuntahan ko na siya, kita kits nalang dun sa party, ingat ka.


Sinagot ko naman yung text niya.

To: Manolo

Sige, salamat :) .


At kaagad naman ako nag-ayos at naligo, pagkatapos nun tinext ko na si Maris na hindi ko siya masusundo at si Manolo na ang susundo sa kanya.

To: Maris


Maris, sorry, hindi na kita masusundo tonight, kakagising ko lang kasi, nakatulog na pala ako, at hindi ko namalayan na oras na, kay Manolo nalang kita pinasundo.


sabi ko, at nagreply naman siya agad.

From : Maris

Ok lang, basta next time bawi kanalang, and btw, nagtext na si Manolo, papunta nadaw siya dito.

Sabi niya at sinagot ko naman siya.

To: Maris

Oo, sige, next time nalang, treat kita.


At hindi na siya sumagot kaya, nakapag ayos na ako.

-------------------------------------

*Maris POV*

Akala ko naman susunduin naman ako ni Loisa, hindi pala, umasa nanaman ako.Kakagising lang daw niya kaya hindi niya ako masusundo. Hahaha. Pero di bale, nandito na si Manolo kaya sumakay na ako. Oo si Manolo pupunta siya sa party, it's a party for HT's and GF's kaya no problem. Kahit sino pwede pumunta.

From: Loisa


Maris, sorry, hindi na kita masusundo tonight, kakagising ko lang kasi, nakatulog na pala ako, at hindi ko namalayan na oras na, kay Manolo nalang kita pinasundo.

at agad ko namang sinagot ito

To: Loisa

Ok lang, basta next time bawi kanalang, and btw, nagtext na si Manolo, papunta nadaw siya dito.

Sabi ko, at singot niya ito kaagad.

From : Loisa



Oo, sige, next time nalang, treat kita.

Sabi niya, at hinintayo ko na si Manolo.

Pagdating ni Manolo, kaagad ako sumakay at kaagad naman itong nagsalita.

"Hi." bungad niya.

"Hello." sagot ko.

"Tara na?" tanong niya.

"Oo." yan naman ang matipid kong sagot.

Habang nagd drive siya, kinulit nanaman ako neto.

"Maris, kailan mo ba ako sasagutin?" tanong niya.

Natameme naman ako dahil sa tanong niya, hindi ko ito pinansin, parang wala lang sa akin yung tanong niya. Ano ba to, hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya.

"Uhmm, Manolo, alam mo naman ang sagot diyan diba?" cold kong sagot.

"Ahh, sige, basta kapag sinaktan ka ng mahal mo, kawawa sa akin yun, basta Maris, maghihintay ako, hihintayin kita," sabi niya.

Parang hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya, hanggang sa makarating na kami sa Venue, pero parang padating na rin si Loisa, natatanaw ko na yung Kotse niya e, kaya hinintay ko na siya.

"Sorry Maris, hindi na kita nasundo dahil kakagising ko lang nga nun." sabi niya.

"Ok lang, basta yung sinabi mo ha?" tanong ko.

"Oo sige." sabi niya.

Pumasok na kami ng Venue at napakaraming tao, parang lahat ng tao sa University pumunta. Kaya kaagad naming pinuntahan ang mga GF's at nakipagparty.
Habang nasa party kami, nakita ko si Marc Carlos, nag iisa, parang malungkot at lasing na.
Kaya kaagad ko siyang linapitan.

-------------------------------

*Marc Carlos POV*

Nandito ako ngayon sa party, nag iisa dahil binusted ako ng aking liniligawan na si Jacq.
Kaya naalala ko yung dati kong Ex na si Fhaye. Parang naalala ko lahat ng nangyari sa akin nang iniwan niya ako. Napakalungkot ko, parang ngayon lang.

Meron namang lumapit sa akin. Hindi ko pinansin, dahil nahihilo narin ako dahil nalasing na ako.

"Marc Carlos" sabi niya.

And nang tinignan ko siya, si Maris.

"Huwag kang uminom nang dahil lang sa isang babae." sabi niya.

 At bigla kong linayo ang bote sa akin, parang natulala ako. Parang anghel ang boses niya. Ang weird ng pakiramdam ko.

"Oo, sige, ilalayo ko na." sabi ko.

Parang bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Hindi ko naman alam kung bakit.Pagkatapos naming mag-usap ay umuwi na ako na parang wala lang nangyari sa akin. Biglang gumaan ang pakiramdam ko dahil nakarinig ako ng mala anghel na boses. Ang weird. Kaya nagpa alam na ako sa aking mga ka HT's at sa mga GF's.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
 Guys, comment,comment,comment,comment,comment,vote,vote,vote,vote,vote and Enjoy Reading Guys.

PAANO NA KAYA [COMPLETED]Where stories live. Discover now