Chapter 17 : Manila

629 23 3
                                    

McCoy POV

I woke up early dahil may Family Bonding daw na gagawin,umuwi sina Mommy at Daddy para dito, nagkakilala kasi ang mga parents namin noon sa Subdivision sa Pampanga noong bagong lipat kami. Kaibigan ng Mama ko ang mama ng bestfriend ko noong bata ako. siyempre nandun yung bestfriend ko. Hindi ko na muna sinama si Maris dahil gusto kong makasama ang bestfriend ko. Who knows? Baka magkausap pa kami.

I already went down dahil natapos ko na lahat ng gagawin ko. Nakita ko si Nanay Tess. Katulong namin siya,pero nanay na ang tawag namin sa kanya dahil siya lagi ang kasama namin.
She was cooking for breakfast.

Pagkatapos niyang magluto, kumain kaagad ako, dahil ramdam ko ang pagkulo ng aking tiyan.

Habang kumakain, may biglang tumawag sa akin. Ang girlfriend ko.

~~~~Maris Calling~~~~

Maris : Hello? YAM?

McCoy : Oh YATS? Napatawag ka?

Maris : Ahh wala, buti ang aga mo nakagising?

McCoy : Ahh wala, aalis kasi kami.

Maris : San punta niyo?

McCoy : Sa Manila, family bonding daw e.

Maris : Ganun ba? Sige, ingat ka ha? Yung pasalubong ko. Huwag kakalimutan

McCoy : Oo sige. Mag iingat karin, kumakain pa ako e

Maris : Ahh, sige kain kana muna, call you later YAM, Good Bye :) , I love you.

McCoy : Sige , salamat YATS . Bye .

~~~END OF CONVERSATION~~~

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko don, parang ang cold ko na sa kanya, I don't know why, pero ang hirap na para sa akin ang mga nangyayari, girlfriend ko nga siya pero parang hindi ko ramdam, sooner or later wala nang kami, kasi hihiwalayan ko na siya.
Dahil kay Elisse, siya ang mahal ko, at siya rin ang pinangakuan ko, pero hindi na niya ako maalala, buti nalang at hindi na naging masamang tao dahil nagkaroon siya ng amnesia. How lucky am I .

Natapos na akong kumain, I already go back to my room to fix my clothes that I will bring.
 3 araw lang naman kami dun sa Manila, well to know each other more. Malapit na pala ang birthday ni Elisse. I will surprise my bestfriend/more than bestfriend. Alam ko sa sarili ko na mahal ko na siya. Ayoko siyang nawawala sa paningin ko.

At the end of the day, sana kaming dalawa rin ang magkatuluyan, at ang mga Hashtags? Sana maging masaya sila para sa akin sa gagawin kong desisyon, dahil alam ng ibang hashtags na si Elisse ang mahal ko, ang hindi lang nakakaalam sa kanila ay ang mga kapatid nito na sina Zeus at Nikko.

Pumunta na ako sa banyo at naligo na. Pagkatapos ng 15 minuto sa banyo, kaagad na akong nagbihis at kaagad na bumaba dala ang mga gamit na dadalhin ko sa Manila.

Pagbaba ko ng kwarto, nakita ko ang mga gamit nila na sobrang dami, na parang titira na kami sa Maynila. Natawa at napailing nalang ako don. Lumabas na sila dahil nga paalis na kami at sumunod nalang ako sa kanila.

Habang naka biyahe kami, I saw Mom talking to someone on the phone, kaya tinanong ko siya.

"Mom, who was that?" curious kong tanong.

"Si Tita Barbara mo yun, she asked kung nasaan na tayo. Nakarating na kasi sila don." sagot niya na may patawa.

"Ahh, okay." yun nalang ang tanging sagot ko.

After 2 hours ng biyahe, finally we reach Manila, we will be staying in a hotel for 3 days.

We went to the hotel, para kunin ang aming susi. Sabi ng nagbabantay sa mga susi ay room 264 daw kami. So we already go to the room she told us.

When we reach our room, parang nakakita ako ng isang paraiso. Parang pang palasyo ang dating. Kaya kaagad akong pumasok at nagtatalon sa kama. Para akong bumalik sa pagkabata dahil sa pinaggagawa ko.

Pagdating ni Mom sa loob, binawal niya ako, hindi parin kasi ako tumitigil dun sa pinaggagawa ko. Para na akong baliw. Hahaha.

Kaya naisipan ko nalang muna na magpahinga dahil mamayang gabi ko pa naman sila makikita. Ang bestfriend ng Mommy ko, at ang anak ng Bestfriend ng Mommy ko na gusto ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Guys,  sorry for the Short Update,  ang tagal ko ng hindi nag Uupdate tapos eto lang rin i uupdate ko,  babawi ako guys. Super busy ko kase. Ingat lagi guys. Mahal ko kayo.

Enjoy The Night guys.  10/08/16 .

PAANO NA KAYA [COMPLETED]Where stories live. Discover now