Chapter 9 : Jealous?

835 31 1
                                    


*MARIS POV*

  Naikwento nga pala sa akin ni Kuya Zeus yung nangyari kina Jon at Elisse, ang sad naman for her (Elisse) kasi nasaktan siya ng sobra. Kaya ako, ayoko pang magmahal, pero isa lang naman ang gusto ng puso ko, si McCoy.

  Pinagbabawalan pa ako nila Kuya ang makipag boyfriend, kasi nga daw bata pa ako. 17 na ako sa tingin ba nila bata pa ako? Yung height siguro pwede pa. Pero yung pag iisip ko nasa tama na.

  "Maris." tawag ni Kuya Zeus.

"Bakit po kuya?" tanong ko.

"May bisita ka." sagot niya.

Wala naman akong inaasahan na bisita e,hindi ko alam kung sino to.

"Sige po, pababa na." sabi ko.

Pagbaba ko ng hagdan. Nakita ko na ang bestfriend ko. Ang childhood friend ko. Si Manolo.
Kaya kaagad ko siyang linapitan at yinakap.

"Ang tagal nating hindi nagkita ah?" paliwanag ko.

"Paano kasi busy kana kaya wala kanang oras sa pakikisama." sabi niya.

"Sorry na, pero wala akong pasok ngayon, baka gusto mong mag mall?" tanong ko.

"Sige, basta libre mo." sagot niya.

"Tara na?" tanong ko ulit.

"Tara." sagot niya at kaagad kaming umalis patunong Mall.

Pagdating namin sa mall, he said.

"Let's play on the arcade."

"Tara, Leggo." sabi ko.

Habang naglalaro kami nakita ko Elisse, sitting somewhere in the corner. Kaya kaagad ko itong linapitan at kinausap.

"Elisse?" tanong ko at nagulat naman siya bigla dahil bigla nalang akong sumulpot sa kinalalagyan niya.

"Oh Maris. Ginulat mo naman ako. Akala ko kung sino. Btw, ano nga palang ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Ahh, nandito kasi kami nung bestfriend ko since nung bata pa kame, kakagaling niya lang abroad, inaya niya ako dito kaya pumayag ako." sagot ko.

"Balita ko wala na kayo ni Jon?" dagdag ko at bigla naman siyang napaiyak.

"Oo wala na, hindi ko alam kung bakit, wala naman akong ginawa sa kanya, dapat nga ako pa yaong galit sa kanya dahil hindi siya nagparamdam ng ilang araw, ang daya daya ng tadhana." sagot niya na napapaluha.

"Sorry, sana pala hindi ko na tinanong yun." sabi ko.

"Okay lang, atleast alam ko na may sincere parin kahit wala na kami." sambit niya.

"Nagpapasalamat nga ako dahil sinamahan ako ni McCoy nung nag break kami ni Jon, I thought it would be hard for me, pero dahil nandun siya, gumaan ang pakiramdam ko." ani niya.

Wait, Maris nagseselos kaba? Ano ba ito, nagseselos nga yata ako, bakit naman? sinamahan lang siya ni McCoy nung naghiwalay sila ni Jon. Hindi naman kaagad maghahanap ng BF si Elisse dahil alam kong hindi pa kaagad ito nakaka move on.

"Maris." sabi ni Elisse.

Natawagan na niya ako ng tatlong beses pero hindi ko ito sinasagot, nang tanungin ako ulit.

"Maris." sambit niyang muli at napatingin na ako sa kanya.

"What?" tanong ko.

"Kanina pa kita tinatawag at kanina kapa tulala, ano bang problema?" tanong niya.

"Ahh, wala. May naisip lang ako." palusot ko.

Ano ba yan Maris, nagseselos ka, bakit? Hindi naman kayo, Wala namang kayo. Tanga na ba ako? Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? Hay nako.

"Maris." may tumawag sa pangalan ko at napalingon ako kung saan nanggaling yun.

Pagtalikod ko nakita ko si Manolo na naghihintay, at pinalapit ko siya para makilala niya si Elisse.

"Manolo this is Elisse. Elisse, this is Manolo, my bestfriend." sabi ko.

"Nice to meet you." sabay nilang sabi at nakipag kamay ang bawat isa sa kanila.

"Let's go Maris?" tanong ni Manolo.

"Hmm, Elisse, We need to go, ingat ka ha?" sabi ko.

"Sige, salamat sa time Maris.Ingat rin kayo, and by the way, nice to meet you again Manolo." sagot niya at nagwave sa amin palayo.


Pag uwi namin, kaagad akong bumaba ng sasakyan at pumasok, binuksan ni Manolo yung bintana ng sasakyan niya at nagwave na siya at nagpaalam.
The day passed and parang nagaalangan ako dahil parang nagseselos ako sa mga nangyayari, ano nabang mangyayari sa akin? Nababaliw na ba ako? Hayysss. Makatulog na nga lang.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hi guys, sorry for the short update, Vote lang ng Vote, and comment to those who wants to join the story. Thank you for reading guys. Hope you are enjoying.

PAANO NA KAYA [COMPLETED]Where stories live. Discover now