Chapter 39 : The Date

385 4 0
                                    


Pagkadating namin sa Sn. Fernando ay sinalubong kami ng mga nag gagandahang parol. Kaya naging proud kapampangan ako e.

"Dito na tayo. " sabi ni Ronnie habang nasa parking lot kami ng SM.

"Sasakay ba tayo ng rides? " tanong ko.

"Uhhmmm,  sure.  Kanya kanyang bayad. Di naman tayo e. " patawang sabi niya. Kinurot ko naman ang braso niya. Di naman masakit.

"Hmm.  Cge. Game. Or better yet,  I'll treat you. " sarkastiko kong sabi.

"Talaga? " lalong ngumiti ng nakakaloko.

"Sige. " sabi ko. Natawa ako sa lalaking to.  Nagpapalibre pala.  Di nalang straight to the point.

"Di mo sinabi,  dapat inistraight to the point mo nalang ako. " sabi ko sa kanya .

"Ehh,  joke lang naman yun,  syempre lilibre kita.  Kaya nga nanliligaw diba? " seryosong sabi niya .

"Kanya kanyang bayad nalang.  Para fair. " seryoso kong sabi sa kanya.

"Ayoko,  ililibre kita. Sino ba nagyaya? " tanong niya.

"Bahala ka.  Basta magbabayad ako mag isa.  " pagalit kong sabi sa kanya.  Parang hindi kami nagdadate sa lagay na ito.

"Hmm. Ayoko nga sabi. " padabog niyang sabi.  Natatawa ako sa lalaking to.  Parang bata.

"Okay sige. " sabi ko.

Kaya tumigil na siya sa pangungulit.  Lumaki naman ang ngiti ng lalaking ito.

"Tara na, sakay na tayo. Gusto ko na kasi talagang umuwi.  Pasalamat ka binalikan kita sa School. " sabi ko sa kanya.

"Hmm.  Kahit ngayong gabi lang naman oh. " sabi niya sabay puppy eyes.  He's so dame cute.  Nakakamiss talaga tong lalaking to.

"Pag iisipan ko. Sakay na muna tayo. " sabi ko sa kanya.

"O sige,  tara na. " sabi niya.

Pumunta kami sa may counter , para mag bayad.  May promo naman pala dito.  600 ang unli ride.  Kaya yun na ang kinuha namin.

Una kaming sumakay sa may Loop Coaster.  Para akong hihimatayin dun. Sa sobrang kaba ko.

"Grabe,  parang sumakit ang ulo ko.  Para akong mahuhulog galing ere. " sabi ko sa kanya.

"Huwag kang mag alala. Sasaluhin naman kita e. " sabi niya sabay tawa.

"Aysus.  Tara na nga dun na tayo sa isa. Dun tayo oh.  Sa may Vikings. " utos ko sa kanya. Kaagad naman kaming tumungo doon.

That ride is awesome.

"Ang sakit rin pala sa ulo ng mag pabalik balik no? " sabi ko.  Mahilig lang talaga akong humugot.

"Hindi naman,  kasi may bumalik sa akin. Kundi para saktan ako, kung hindi para mahalin ako ulit. " patawang sabi niya.

"Ayy,  grabe ka sakin. Pasensya kana ha? Di ko kasi sinabi sayo.  Akala ko kasi ikakasal talaga ako kay Joao.  Pero sabi niya.  It was just a fake.  Kaya ganun.  Buti nalang at di kami nagwork. Kung hindi, hindi na ako babalik dito.  Hindi na kita babalikan. " sabi ko sa kanya.

"Ayus lang,  ang importante, nakabalik kana. At hindi ako papayag na mag bbreak pa tayo. Kasi ang gusto ko.  Ikaw na talaga ang pinakahuli.  Ang aking One and Only.  Kaya mahal na mahal kita e. " sabi niya.

I was touched to that. Salamat sa kanya at tinanggap niya pa rin ako. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na ito.

"Salamat Ronnie,  kasi tinanggap mo pa rin ako. Hinding hindi ako magsasawa sa pagmamahal mo.  I am the one who left you,  but ikaw pa rin itong nanliligaw. Kaya hindi ko na to patatagalin pa. " sabi ko.

Napatingin naman siya sa akin ng seryoso. Nakatitig siya sa aking mga labi.  Parang inoobserbahan ako  kung ano ang susunod kong sasabihin.

"Ano? " sabi niya. Naka awang ang kanyang panga.  Kaya sinara ko ang kanyang bibig.

"Hahaha. " tawa ko.

"Bakit ka tumatawa? " tanong niya.

"Wala lang. " sabi ko.

Sumeryoso naman ang mukha niya.  Parang nainis. Kaya babawiin ko agad ang inis niya ngayon.

"Uhmm,  Ronnie. Sinasagot na kita. " sabi ko sa kanya.

Kitang kita naman ang kasiyahan sa kanyang mukha.  Para bang gusto niya akong halikan.

"Yes!!  Salamat. " sabay yakap sa akin. "I Love You Loisa." Sabi niya.

"I love you too Baby. Ikaw lang. " sabi ko.

"Salamat. " sabi niya.

Pagkatapos nang nangyaring iyon.  Pumunta na kami sa loob ng mall bago umuwi.  Kumain na kami.  Grabe ang saya ng araw ko ngayon.  Kase kasama ko ang taong mahal ko.  Hinding hindi ko na siya iwawala pa. 

Habang nakatingin ako sa menu. Ramdam na ramdam ko ang pagtitig niya sa akin.

"May dumi ba ako sa mukha babe? " tanong ko sa kanya

"Ah.  Wala naman. Nakatingin lang ako kasi ayokong mawala ka sa paningin ko babe. " sabi niya. Oh my god.  How cute.

"How sweet babe." Sabi ko.

"Syempre, para sayo. Gagawin ko lahat. " sabi niya.

"O sige.  Umorder na muna tayo,  para makauwi na tayo. " sabi niya.

"O sige. " sabi ko.

Kaya binaling ko na ulit ang aking tingin sa menu para pumili ng kakainin.

Pagkatapos ng limang minuto. Tinawag na ni Ronnie ang waiter.  Para umorder na kami ng pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami kaagad sa parking lot para sumakay na.  Uuwi nakami , parang nabitin ako sa nangyari ngayong araw.

Pagdating namin sa bahay. Kaagad naman niya akong pinagbuksan ng pinto ng sasakyan.

"Ahh,  bukas susunduin kita ha?  Punta tayong simbahan. " sabi niya.

"Ahh,  anong gagawin natin sa simbahan? " tanong niya.

"Magpapabasbas? Para maging official na tayo. O,  sige na goodnight na baby. I love you." 😘 . Sabi niya,  sabay halik sa akin sa labi.  Smack lang naman.

"Oo sige baby, ingat ka pauwi.  I love you too. " sabi ko. Grabe,  pinapakilig talaga ako ni Ronnie. How sweet boyfriend.

Pagkasakay niya sa sasakyan.  Ay kaagad na niya itong pinatakbo. Kaya pumasok na rin ako sa bahay at dumiretso sa kwarto.  Mag aala una na pala ng madaling araw,  di ko masyado napansin dahil nagdate kami.  Pero it's all worth it.  Grabe ang saya na dinulot ni Rpnnie ngayong araw. How strong he is to be a man.

Sabi niya pupunta kamong simbahan bukas para magpabasbas.  Natawa ako dun. Sobrang gentle at seryoso masyado.

Kaya naman napagpasyahan ko ng matulog. Nang malapit ng pumikit amg mata ko ay biglang nay nagtext sa cellphone ko.

Nag text si Ronnie.

Baby :

Susunduin kita mamayang umaga,  alarm ka po para magising ka. Good night baby,  tulog ng mahimbing.  I love you. 

Yan ang huli niyang text bago matulog.  Di na ako nagreply at nag alarm na nga lang ako para magising alo ng maaga.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Last Chapter na po ang susunod.

Chapter 40 : ?

PAANO NA KAYA [COMPLETED]Where stories live. Discover now