Pt. 1

35.8K 696 71
                                    

Pt. 1

[ ADRIAN P.O.V ]

"May jowa nga ako!!!" Pagmamatigas ko. Kahit wala naman talaga sa true to life story ko.
Eh ano naman kung mangarap akong may jowa ako no.
Mga pakilamera sila!!!
Mga chaka!
Pero kahit mapailang ulit kong magsinungaling sa kanilang; may jowa ako! May jowa ako! Tatawanan lang nila ako ng bonggang bongga.

Nagtinginan nanaman sila sa akin.
'Tong mga chakang to, ang yayabang porque may mga jowang kulang sa ligo!
Pweee!

"...at may abs ang jowa ko." Dagdag ko with matching taas kilay.
May abs naman talaga siya.
Umaaasa akong may abs ang magiging jowa ko!
Bakit ba?

"At may abs pa talaga ang imaginary jowa mo ha. Hahahahaha!" ------Si Kulot, wala siyang buhok sa kili kili inaahit niya kasi nagiging kulot din daw!
Hindi na ako magtataka kung kulot din ang buhok niya sa loob ng... Ilong niya!!!

Nagtawanan silang lahat.

Sige magtawanan lang kayo at sana mahinganan ng mabahong hangin ang mga bibig n'yo para habang buhay na kayong mga labas gilagid!!!

Mga bwisit na ito.
Hindi nalang ako suportahan sa kagagahan ko!
Mga walang kwentang friendship....

Well, kahit ganyan sila, friend ko pa rin sila... Kung aalis ako sa grupo, sino nalang maiiwang maganda?
Anubeeee!!!
Aha-ha-ha-ha!

"Basta may jowa ako! Gwapo, matangkad at mahal niya ako!!" Sabi ko.
Sabi kasi sa hula nabasa ko sa lumang dyaryo, magkakajowa raw ako.... Walang trabaho pero may abs at mamahalin ako.

Ako ng magtatrabaho para sa amin!
Magiging hard working girl ako.

Girl????

Well, hindi na pala ako girl, I am a woman now.
A woman with no real life jowa but soon to have one... and with no boobs.

Ganun talaga kapag nakadapa matulog, nagiging flat ang boobs!
Pweee!!!

"Ay oo nga naman may jowa nga pala siya... Iyong jowa niyang poserang palaka sa FB!! Hahaha." ------- Si Negra. Hindi lang kulay niya ang maitim, pati ang budhi niya pati narin kili-kili niya!!!

Tama!
Tama! Siya nga!
Pero... Pero...
Bigla nalang siyang nagdeactivate,
Naloka na siguro sa akin kakapipilit kong posera siya...
Muntik ko pa naman siyang mahalin na!

Ang gwapo kaya ng ginagamit niyang pic, sabi niya siya raw iyon, sabi ng puso ko.... IMPOSSIBLE!!
Basta ganun!

Bwisit kasi iyon. Biglang nagstatus na In Relationship With Me, ayun, nasight ng mga baklang ito!

Nagtatawanan pa rin siya.

"Hindi siya Poser!!! Siya raw talaga iyon! Huwag kayong ano diyan!" Pagtatanggol ko--sa kaniya? O sa kahihiyan ko?
Grrrrr!!!

"Raw? Hahahaha. O nasaan na si Mr. Right mo? Naging si Mr. Clean na ba? Kaya nag deactivate? Hahahahaha!" ----Tong kulot na 'to, uunatin ko ba talaga buhok nito eh. -_-

"Baka naman naging si Mr. Payong!! Akis si Mr. Payong, witit shokot sa shutik. Ahahahaha." ----Si Taba Tina!!
Pero kahit mashuba 'tong gaga na ito, marami ng naging jowa ito eh, yayamanin kasi.
Sige tumawa ka pa para ma-burn yang fats mo.
Pweee!!!

"May nagreport lang ng account niya kaya nawala fb niya no!" Sabi koooo!
Sige i-hot seat niyo pa ako!

"Baka naman na report na ng totoong may ari ng photo. Alam mo naman kasing poser, pinatos mo pa, desperadang bakla ka talaga! Hahahaha." Sabi ni negra!

Tumayo ako!!!

"Patutunayan ko sa inyong totoo siya! At pagsisihan ninyong pinagtatawanan niyo ako!!! At isusumbong ko kayo sa kaniya dahil pinaghihinalaan niyo siyang poser!!!" Sabi koooo! Malakas na malakas!

Perfect Online BoyfriendWhere stories live. Discover now