Pt. 2

19.4K 510 56
                                    

Pt. 2

[****5 Beautiful Days Earlier****]

Wala nga akong pasok, wala namang akong perang pangrampa o ano ako ngayon? Nga-nga?

Tinignan ko wallet kong pangmayaman pero pangmahirap ang laman!!!
Nubeyannn!!!

500 and 7 pesoses???
Paano ko mapagkakasya itooo???
Paano na!!!
Tagal pa ng sahod ko no.
Bwisit na billings kasi iyan dumating pa hindi ko naman inimbitahan!!
Dapat kasi gayahin ng Meralco at Maynilad ang FB, free lang. Ganun dapat!!!!
Bukod pa doon... More kaltas more fun pa sa sahoood kong hindi ko na nga kinakayaman binabawasan pa!!!

Actually meron pa naman akong 500 pesoses sa savings ko, pero naku, kakahiya namang iwithdraw iyon no! Bukod sa 500 lang, mawawalan pa ng laman account ko, for sure maiimbierna sa akin ang pinagbabangkuhan ko!
At anyway, ang layo kaya.
Iniisip ko palang, napapagod na ako!!!

Hayyy...

Binagsak ko ang sarili ko sa kama kong sobrang lambot na nakakawala talaga ng stress. Kinuha ko ang hotdog pillow at niyakap ko ng bongga.

Kailan kaya ako magkakajowang mayaman? Para naman hindi na ako maiistress kakaisip ng gastusin, nakakatanda kasi!
Pero, if ever man na hindi mayaman ang magiging jowa ko... Okay lang, basta gwapo at may abs, ako ng bahalang magtrabaho para sa amin no.
Maganda naman trabaho ko... Kasing ganda ko.
Ganun.


Buti nalang at ipinangalan na sa akin ng tita kong pokpok sa Japan itong bahay niya kahit maliit lang sapat na para sa akin, ako lang naman mag-isa.
Nagpakasal na kasi siya sa jowa niyang Koreano mukhang Chinese na nagtatrabaho sa Japan at nagsasama na sila roon.
Sa chat niya lang nakilala iyon, pinakitaan niya ata ng boobs niyang flat si Koreano, eh dahil sa singkit iyon, lahat ng maliit, lumalaki sa paningin niya... Ganun ata iyon.

Pero joke lang na pokpok tita ko sa Japan, dito talaga siya sa Pinas unang nagpokpok.
Chaaarrrooot!! Hahaha.
Di siya pokpok... Muntik lang. Ganun.

Hmmm..
Eh kung magpokpok nalang din kaya ako???

.....

Tapos magiging customers ko mga matatandang pantay na ang kulubot ng mukha at tuhod???
I cannnnnoooot!!!
Pweee pwee!



Hay naku!
Makarampa na nga lang!!!
Magdi-dress to kill nalang ako para magmukha akong sopistikadang yayamanin!
Magbibilang nalang ako ng gwapo sa labas... Much better.

Magpapakahopya na naman ako. -_-



**Few maarteng minutes later**

Ready to go na akis!
Puting pukekay shorts at long sleeves...
Lakas kong makasummer!!!
Pinaliguan ko na sarili ko ng pabango baka sakaling may mahumaling sa akin.

Put my hat on and my bonggang shades.
Kanya kanyang trip yan no!!!
Ganito kasi ako talaga bumili ng mantika, dapat pak! Ganun!

At lumabas na ako sa mumunti kong palasyo. Lakad lakad hanggang sa makarating sa dulo kung saan nakatambay ang mga boylet na may abs pero hindi bagay sa mukha.

"Adrian, gumaganda ka ah." Kuda ng isa sa mga tambay na may tatoo ni Madam Auring sa braso niya, kilala nila ako pero sa totoo lang hindi ko sila kilala. Sikat kasi ako dito sa amin no.

"Well, thank you pero wala akong pera ngayon. Okay?" Sagot kong walang kahumble-humble. Huminto ako malapit sa kanila para mag-antay ng masasakyan.
Ganyan sila, ikocomplement ako at manghuhot ng anda minsan nilalandi pa ako... Like, iwwww... I am not into Kanto Boys no, eh parang once in a blue moon lang ata naliligo yan mga yan.

Perfect Online BoyfriendWhere stories live. Discover now