Pt. 011

10.5K 319 58
                                    

Pt. 11
[ ** Day 1: 7 PM ** ]


"One hour pa po bago ako mag-out." Reply ko sa message niyang... Baby ko, miss na miss na po talaga kita.

Anubaaa!
Magkachat na nga kami buong araw, nami-miss niya pa rin ako?
Baka namimiss niya ang nagliliwanag kong ganda. Ganun!

At nako, palowbat na rin kaya ako...
I mean, iyong phone ko at hindi ako.
Pero somehow, somehow, palobat na rin talaga ako no.
Nakakahaggard kaya magbenta ng kwek kwek!!

"Hindi na ako makapag-antay na makita at mayakap ka ulit baby ko. 30 minutes before ka mag-out pupunta na ako riyan para antayin at sunduin ka. I love you baby ko. Kisses." ---Message niya.

Hmm..
Keri lang doon niya ako sa Parking Area antayin.
Like hello?
Ang Kwek Kwen Queen susunduin ng gwapong may abs dala ang kaniyang magarbong sasakyan.
Baka magkaroon production number sa labas kapag may nakakita sa amin.
Tapos sabay sabay silang sisigaw ng; IKAW NA!!!

Nakakadagdag haba ng haiiir!

"Okay baby boy."
Iyon tawag ko sa kaniya no, mula pa kanina! Nang imessage ko niya siyang baby boy, nagsent siya agad agad ng asong kinikilig na may pa harts harts pa!! Ganun!
"..maya na ako message kapag pa-out na talaga ako, para naman mamiss mo ako."
Message ko!!!
Pamiss ako?
Feel na feel ko naman?
Nubeeee!

"Kanina pa kita kaya namimiss. Pero okay, sige baby ko. Maghahanda na rin ako para sa ating dalawa mamaya. I love you baby ko." ---Message niya!!
At dinagdagan niya pa ng harts harts!

Ano bang ihahanda noon para sa aminh dalawa?
Kinakabahan naman ako!
Ano bang iniisip ng lalaking yun!
Tinanong ko siya kanina, ayaw niyang sabihin kasi surprise raw!!
Sabi ko kahit hint lang, ayaw pa rin niyyya!
Masisira raw ang surpresa!!!

Like, anubeee... I hate surprises...kasi napo-frustrate ako kakaisip kung ano bang isusurpresa!
Masakit sa boobs kakaisip!
Sa boobs talaga kasi masakit sa dibdib.
Ganun!

But fine!!!
Bahala na si Darnabels mamaya.
Total suot ko rin naman talaga ang bra ni Darna na may Stars at panty niyang may mahabang panyo sa harap...
I hate to think this but...
Bakit kaya may panyo pang mahaba? Nakapanty naman siya...
Baka kasi butas ang panty niya??
Ganun!!
.naku ha!
It cannot be!



At sa huling oras namin ni manang...
Maraming patay gutom pa rin ang nagsisibilihan.
Pagkatapos, inventory na si manang, binibilang niya kung ilang sisiw ang hindi napisa sa itlog at ginawang kwek kwek agad agad.

At dahil sa mas maraming hampaslupa sa Mall na ito, lagi kaming kotang kota talaga!

At natapos na ulit ag hagardong araw...
Kasabayan naming nagsasara ang mga katabi naming stalls na mga pangpulubi rin ang tinitinda.
Minsan, nauuna talaga kaming magsara ni manang, kasi nauubusan kami ng kwek kwek, alangan namang kwek kwek ni manang ibenta namin..
Like iwwww!
Minsan sinasabi niya sa akin yan, kinikilabutan ako!!
Sinasakal ko talaga si manang!!



So, retouch retouch kami ni manang at ready to go. Hindi kami nadaan sa exit ng employees entrance gate, kasi nga entrance iyon!!
Chharrrott!
Basta hindi doon! Kasi maraming anak si manang doon, mga namamalimos ng bente..
Kakapal ng mga mukhang mampresyo ng lilimusin.
Eh dahil sa mayaman ako... Noong Kwek kwen princess palang ako noon, may namalimos.. Binigyan ko ng 500!!!
Tuwang tuwa ang bagets!
Hindi niya lang alam play money binigay ko!
Ako pa ba??

Lakad lakad kami ni manang.. Nagsisirado na rin mga nagbebenta ng mga china phones at mga original na batteries daw... Original, made in China! Ganun.
At speaking of phone..
Well, sa akin, mansanas ang phone ko no.
Hindi ko binili, napulot ko lang!!
Bakiiit ba???
Ganun talaga kapag maganda... Laging swerte!!!

Perfect Online BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon