Pt. 017

7.9K 253 47
                                    

Pt. 017
[[***Day 03: 4 PM***]]

Nasa stall na ako at kanina pa namin pinag-uusapan ni manang ang stall na bubuksan sa tapat namin.

As in sa tapat talaga ng stall namin!!

At ang pangalan ng stall ay,
"Tikman Ang Mas Pinasarap Na Kwek Kwek Ni Roberta"
Halos sakupin ng buong karatula ang name ng stall.

Nakakaloka!
At nakakaloka ang kwek kwek ni Roberta.

Bakla na si Roberta?
Malay namin no.
Pero yung mga napapadaan, natatawa... Kasi nga ROBERTA!
Yes, name ng babae, pero parang pinilit maging babae! Ganun!

May mga customers kaming kuda ng kuda na tatapatan na raw anh kwek kwek namin ni manang.
Kwek kwek ko rin?
Nakakaloka!

Sabi ko nga kay manang, "keri pang yan manang, atleast hindi na tayo mahahagard sa pagtitinda ng kwek kwek. May option pa sila sa kabila."

Pero parang worried talaga si manang kasi nga malakas ang kwek kwekan namin baka hindi na kami maka-over kota kasi may pakwek kwek na rin kung sino man si Roberta.

Basta ako?
Keri lang talaga.
May kwek kwekan pa naman sa 3rd floor, nagkataon kasi na dito sa Bfloor kami lang ang nagpapakwek kwek. At mas maraming hampaslupa rito.




"Manang, huwag kang kukuda kay jowa na raramfa ako mamaya." Sabi ko, maiba lang ang usapan!!!

"Sino kasama mo? Iyong mga baklang bebe? Sila Garry?"

"Yeses manang! Saglit lang naman ako doon no, hello, magpapakwek kwek pa tayo bukas at isa pa baka bukas na rin magbukas tong kwek kwekan ni Roberta, gusto kong makita kung gaano siya kagandang tunay." Sabi ko.

Hawak ko ang phone ko.
Kanina ka-chat ko rin si jowa.
Nagpaalam na bibili lang daw siya sa market ng mailuluto para sa dinner namin.

Wala naman akong binigay na anda sa kaniya, so okay lang sa akin kasi fore sure siya ang gagastos. Aha-ha-ha-ha!
Yayamanin siguro si jowa sa totoong buhay.
Kasi naman may car siya, nakapagpa resereved pa sa hotel at may pa special dinner pa kami last night.

Haaaayyy.

Ang saya saya ko kaya kagabi, feeling ko nga ako na talaga si Cinderella. Tapos, karga niya pa ako pabalik sa hotel room namin.

Akala ko...
Gagahasain na niya ako.
Papayag na nga sana ako eh...
Pero cuddling kami kami hanggang makatulog ako.

Charot lanh sa papayag ako no!
No way! Hindi sa kaniya, kasi kahit sabihin niyang forever... It's not enough for me to love you! Kanta ni Sarah G!

At hindi ko kakantahin sa kaniya ang...
And if forever ends one day, I promise you I will stay, to show that my love will never end!

Pweeee!!!

At kaninang umaga??
Hindi niya pa rin ako ki-niss!!!
Nagbago na ata siya simula noong nagkiss kami.

Try niya kaya akong turuan makipag lips to lips sa kaniya!
Chhhaaarrrooottt!
It cannot be!

"Hoy bakla ka! Nongyare syo? Natutulala ka." ---Manang!!

"Ah, wala lang manang. Basta ha, susunduin ako ulit noon ni jowa, sa likod ako dadaan kapag nakita ka niya sabihin mo, hindi mo siya kilala at wala kang kilalang Adrian. Adriana ang kilala mo at nagpunta na sa Japan sa tita niya. Ganun!!" Sabi ko. At kinukuntsaba ko talaga si manang.

"Eh bakit ba kasi ayaw mo nalang isama ang gwapo mong jowa na may abs?" Tanong niya!!

"Manang, it cannot be! Kasi paano ako makakapaglandi, kuda kasi ng mga baklang bebe, nag invite raw sila ng mga gwapong boylet na may abs!! Hindi ako makakapagharot kapag nandoon siya no. At isa pa, seloso iyon. Kung magpapaalam man ako sa kaniya, malamang hindi ako papayagan nun lalo na kapag nalaman niyang may mga boys." Sabi ko!!
Bakit ba?

Perfect Online BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon