Pt. 015

8.6K 260 35
                                    

Pt. 015
[[***Day 02: 10 AM***]]

Nandito pa rin naman kami sa Grandé Hotel na pag-aari ata ni Ariana Grande. Wala kami sa kwarto kasi baka gahasain na ako talaga ni baby boy. But who knows? Baka.. Willing na ako this time.
Chaarrrot!

Nandito kami sa pinakataas ng hotel na may malawak na swimming pool at sa paligid paligid ay mga malalaking payong na puti at may higaang bongga sa ilalim nito at upuan, mesa kagaya sa pwesto namin ngayon ni Terdy.

Hmmm... Kanina pa talaga ako nagtataka kung paano nila nalagyan ng tubig ang swimming pool na yan. Baka napuno nalang sa tubig ulan. Kasi naman no, wala kayang bubong ang roof top.

At kailangan pa nagkaroon ng bubong ang rooftop Adriana???
Nubeeee!
Basta ganun.

Ang gugwapo ng mga boylet dito. Kahit nga ang mga nagwoworking galore... Ang pi-fresh. Ang babango. Feeling ko may abs din sila!
Yung mga babae?
Wala akong pakialam sa kanila no.
Hello?
Alam ko naman na akong pinakamaganda sa lahat at wala ng makakapantay sa ganda ko hanggat nabubuhay ako no.
Ganunnn!
Bakit ba???

May mga iba't ibang lahi rin dito. German sheperd, chuwawa, dalmacian. Ganun!
May mga naliligo sa pool pero iilan lang.
Sabi sa akin ni Terdy, mga dalawang siya raw ang lalim ng pool, lalo na sa gitna.
So, 6.2+6.2 is equals to 12.4 feet lalim!
Well, naging serena pa ako kung hindi ako marunong lumangoy.
Mamaya ako magda-dive kapag wala na ang hipopotamus na nasa gitna.
Baka kasi mamaya, lamunin niya pa ako ng buong buo.
Feeling ko nga, siya ang dahilan kung bakit naapaw ang tubig sa pool eh.
Aha-ha-ha-ha-ha!!!

"Baby ko, here's yours." ----Ang gwapo kong jowa na may abs na minanyak ako kagabi. Inabot niya ang baso na may payong na may kalamansing malaki na nakalublob sa drinks...
Ay lemon pala yan.
Ang lakas maka-summer.

Kung sa bagay, ako nga nakashades pa, feeling ko summer pa rin!

Ang init naman kasi dito no.
Tapos andito pa si jowa super hot.
Oh edi lalong umiinit.
Baka kapag nagdive siya sa pool, biglang kumulo ang tubig sa sobrang hot niya.

Gwapong gwapo siya sa white polo niyang nakabukas na sight na sight ang chest at....abs!
Urrr.
Pwede bang abs nalang tikman ko?
Eeeehhh.

Maarte kong inangat ang drinks at pangmayaman ang hawak ko. Bakit??

Naghigop ako ng konte..

Gooooooooodddd! Sarap!
Kaka-refresh ng ganda.
Pwede bang tunggain ko na agad agad itooo??

Kaso kaka-wapoise!
Dapat kalma lang!

At...
Urrr..

May tinago pala siyang red rose sa likod niya... Buti hindi siya natinik.
Binigay niya sa akin at nagsabing,
"Happy 2nd day baby Addy ko. I love you po."

Anubeeee!
May paganyan ka pa ha.

"Thanks. Wala bang kiss?" -----AKO!
He was like, smiling like there's no tomorrow!
"Charrrot ko lang iyon. Huwag kang ano diyan."

Pero.. Di naman niya ako ki-niss.
Nakeeerr...
Kahit kaninang umaga, hindi niya rin ako ki-niss!!!
Baka.... Kasi... Nalaman niyang hindi ako good kisser.

Eeeeeehhhhh!!!

Naalala ko na naman tuloy!
Eh ano kung hindi ako magaling humalik???
Dapat ba mahusay talaga?
Importante lang naman, maramdaman niyo ang labi ng isa't isa...

Napatingin ako sa lips niya.
Eeeehhhh.
Seerreeep!

"Sorry." Sabi ko bigla!!!
I have to say this. Kasi kung hindi, baka magkasakit ako sa puso.
I know, kaya hindi niya ako kiss kaninang umaga, kahit sa cheeks lang, kasi nga... I am not a good kisserrrr!
Tsseeee!
Malay ko ba kung paano ang tamang pagkiss!!!

Perfect Online BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon