Pt. 026

6K 251 83
                                    

Pt. 026

[[***Day 10: 8:30 PM***]]

Kanina pa akong 7 PM nandito sa Jolibee and now kasama ko na naman si Mr. Loko!
At syempre, pa-libre na naman ako no.
Sarado na pwesto namin.
As in saradong sarado na!!!
Nasuspendido ang KwekKwekan namin ni Manang ng dahil sa gera namin ni Roberta JR kahapon.
At syempre rin, pati ang Ang Mas Pinasarap Na Kwek Kwek Ni Roberta, sarado na rin!!!!

Hindi naman ako papayag na kami lang masuspende no!!!
3 linggo lang naman.
Atleast nakakapagpahinga ako ng tatlong linggo sa bahay ALL ALONE!!!

Yes! Alone...
Dahil pinalayas ko na ulit si Fifty Three!!!

And just now...
May isang nakakalokang balita ako from Mr. Loko.


"You mean to say, biktima ako ng mistaken identity keme??? Hindi talaga para sa akin si Fifty Three???" ----AKO!!!

Kakakuda niya lang kasi, 8 PM na siya dumating. Lumapang muna rin kami while waiting Terdy....soon to be my EX!!!

"Yes, Mr. Huelar. And I am very sorry about that. In behalf of POB Services, we really apologize for the inconvenient we'd given to you. For that, ibabalik namin ng buo ang perang ibinayad mo and an additional 80k para sa daños." Sabi niyaaaa!!!

Nalaman niya kay Terdy na pinalayas ko siya ulit. Kaya malamang, for the inconvient ang sasabihin niya!!!

At... .aw!
Madagdagan ang 100k ko ng 80k???
Bakit hindi pa ginawang 100k din???
Nakeeer!!

"Paano nangyari iyon????? At sino pala dapat para kay Fifty Three???" Tanong ko.

"I believe you already knew him. Nagtitinda rin siya ng kwek kwek, nagkamali ako ng nilapitan dahil ikaw lang naman ang nakita kong nagtitinda nito at possibleng tumanggap sa offer. Hindi ako naabisuhan na, magtitinda pa lang." Sabi niya.

I knew already daw???
At magtitinda palang ng kwek kwek?
Hmmmm.

My god!!!
No!
No!

It cannot be HIM!


"Wait, wait!!! Ang sabi mo noon, hindi mo alam ang dahilan kung bakit ako ng nilapitan mo, di ba??? Pero ang totoo pala, minamanmanan mo na ako, dahil akala mo ako ang prospect sa POB Services na iyan!" Sabi ko kaagad!


"I admit, I said that. Prompt naming mga Agents ng POB iyon. Inside POB may mga researchers na naghahanap ng pwedeng offer'an ng serbisyo ng POB. Ipapasa sa amin ng mga Informatives ang listahan ng prospects." Paliwanag niya!!

"Ganern? Pero binibigyan naman kayo ng complete informations di ba? Bakit namali ka pa rin sa akin??? Wala bang photos or something??" Sabi koooo!!!

"I've lost his files. Ang natatandaan ko lang, nagtitinda ng kwek kwek sa Mall na pinagtatrabahuan mo." Sabi niya.

"Alam na ba ni Fifty Three ang tungkol dito?" Tanong ko na parang.. Ewan. Kinakabahan ako na natatakot sa kung anong pwedeng mangyari sa kung anong meron sa amin ni Terdy.

"Yes. Mr. Huelar. At kailangan niyang pumunta rito para magdesisyon kung ipagpapatuloy niya ang nasimulan niyang relasyon sa iyo o pipiliin ang dapat ay para sa kaniya. Sa ganitong kaso, ang POB mismo ang magdedisisyon kung ano sa palagay niya ang tama at mas nararapat. And I am really sorry Mr. Huelar."

Possibleng...
Mawala na ng tuluyan sa akin si Fifty.
Mas maaga pa kaysa sa inaasahan ko.

"At kung hindi na siya pupunta?" Tanong ko. At parang... Mas nagsisimula na akong makaramdam ng lungkot. Kung alam ko lang na mah ganito, sana hindi ko muna siya pinalayas---sana, nakasama ko pa siya ng isang buong araw.

Perfect Online BoyfriendWhere stories live. Discover now