CHAPTER VI - Fizz Lopez

7.9K 116 21
  • Dedikeret til Aine Tan
                                    

CHAPTER VI

[A continuation]

  

Nananatili pa rin akong nakatayo ngayon dito sa may mini garden nila at mukhang napa-speechless pa ko.

Grabe lang huh. di ako makapagsalita ng maayos dahil sa kaharap ko ngayon. Sino nga ba siya? hhmm..

"Ah-eh.. pa-pasensya ka na. napagod kasi ako sa kaka-tour dito sa bahay niyo at medyo naliligaw na rin yata ako." Sabi ko sa kanya na nauutal.

"Ayos lang, ako nga pala si Fizz J." Pagpapakilala niya sakin with matching smile pa huh. Ang gwapo talaga niya.

Naku, naku, naku... kung wala lang talaga akong Jin Ren marahil nahulog na ko sayo.. HAHA, joke lang din noh. =P

  

" Ahh, he-hello! Ako rin nga pala si Yuri, Yuri Han."-ako na nauutal pa rin.

"Nice name. Nice meeting you, Yuri." Sabay abot ng kamay niya sakin. Kaya naman inabot ko rin yung kamay ko sa kanya at nag-shake hands kami. Lambot ng kamay niya in fairness huh.

  

Bigla naman nagbitawan ang mga kamay namin nang biglang may nagsalita.

"Hoy asungot, halika na nga at magsimula na tayo." Sabi nung nagsalita.

 Pagtingin ko OMG, si Jin Ren ko, na ngayo'y patagilid na nakasandal sa may wall at nakatingin ng masama sa gawing direksyon namin.

 Naku! mukhang mainit yata ang ulo niya. dahil ba dun sa nakita niya?

te-teka.. Nagseselos ba siya?

 Oh no, baka isipin niyang nakikipaglandian ako kay Fizz at nakalimutan ko na siya.

NO! Hindi maaari to. Kelangan kong linawin to sa kanya.

 Bago pa man ako nakapagpaliwanag sa kanya, eh hinawakan niya na ang braso ko at kinaladkat ako papalayo kay Fizz at nagdirediretso na kami sa paglalakad.

"Pwede ba wag mong kakausapin ang lalaking yun." Sabi niya sakin sa inis na tinig, na hanggang ngayon ay di pa rin maipinta ang kanyang mukha.

 Oh my God, nagseselos nga siya. Nakakatouch naman. Gusto ko na tuloy mamatay sa saya. Pero joke lang!

 Pero hindi maaari to, dapat ko pa ring ipaliwanag sa kanya na walang namamagitan samin ni Fizz. Chance ko na to na mapansin niya ko dahil nagpapakita na rin siya ng selos sakin, sayang naman kung mawawala pa to dahil lang dun sa maling akala niya diba.?

"Ahh, okay. Hindi na ko lalapit sa kanya kaya pwede ba wag ka na ngang magselos jan, Jin Ren ko." Sabi ko sa kanya habang nakangiti pa.

 Syempre nuh, natutuwa.. ay hindi pala.. Maligayang-maligaya pala ako dahil nagseselos siya nuh.. Ibig sabihin lang nun eh may gusto rin siya sakin.. =D

I'm Courting Mr. ColdWhere stories live. Discover now