CHAPTER XXXIV - My Hero

5.7K 61 12
                                    

CHAPTER XXXIV

**YURI’s POV**

“Yuri… best friend? “ unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nagising ako sa isang di pamilyaradong lugar. Inikot ko ang paningin ko, hindi naman ako nahihilo. Maayos naman na ang pakiramdam ko. Nakitako ko si Heina na kumakaway-kaway pa sa harap ng mukha ko habang patuloy pa rin sa pagtawag ng pangalan ko.

“Hey…” Halos pabulong kong sinabi kay Heina. Medyo nanghihina rin pala ako. Ngayon ko lang namalayan nang sinubukan kong umupo. Ang sakit ng likod ko.

Nakaupo rin naman ako kahit papano sa kabila ng nananakit kong katawan.

“Best friend!” tapos bigla na lang ako niyakap ni Heina. At kahit hindi niya sabihin sa akin, damang-dama ko pa rin na nag-alala siya sa akin. Bigla ko na lang naalala yung nangyari kanina sa akin. Muntik na akong pagsamantalahan ng higanteng halimaw na yun. Maraming  mga tanong ang namuo sa isipan ko, kung pano ako napunta rito? Natuloy ba ang pagsasamantala sa akin ng mga hayop na yun? Pero wala naman akong nararamdamang kakaiba sa akin maliban na lamang sa nananakit kong likod dala ng malakas na pagkakatulak sa akin nung halimaw na yun na ikinasandal ko sa puno, pero maliban dun eh wala naman na iba.

“Ayos ka lang ba?may masakit ba sayo?” tanong sa akin ni Heina nang magbitiw na kami mula sa pagkakayakap.

Tumango-tango lang ako.”sigurado ka?” paninigurado niya. Masakit pa naman ang katawan ko pero di naman na big deal yun kaya ayos na ako.

“Oo.” matipid kong sagot.

“Kainis ka! Ano ba kasing iniisip mo at tumambay ka pa dun?” nag-aalalang sabi ni Heina na may bahid na inis dahil alam mong nag-aalala lang siya sabay hampas pa ng mahina sa braso ko.

“Nakatulog kasi ako.” Sagot ko sabay himas sa ulo ko.

“Nakatulog!? Ayan tuloy dahil sa pagiging antukin mo muntikan ka pang ma-rape.. buti na lang talaga at dumating kami nina Ren para sagipin ka.” hiyaw niya sa akin.

Super heroine pa ngayon ang drama ni Heina huh. “Hehe, salamat best friend at sinag---“ di ko na natapos pa ang mga sasabihin ko. Parang ngayon lang kasi nag-absorb sa utak ko yung sinabi niya sa akin kanina eh.

“Nakatulog!? Ayan tuloy dahil sa pagiging antukin mo muntikan ka pang ma-rape.. buti na lang talaga at dumating kami nina Ren para sagipin ka.”

Ano raw ulit yun? Did she just mentioned the name of my love of my life?

"...buti na lang talaga at dumating kami nina Ren para sagipin ka.”

Teka nga, di pa rin talaga ako naniniwala. Mukhang nabingi yata ako ng dinig. Pwedeng paki-rewind?

”…buti na lang talaga at dumating kami nina Ren para sagipin ka.”

“…buti na lang talaga at dumating kami nina Ren para sagipin ka.”

“…at dumating kami nina Ren para sagipin ka.”

“…at dumating kami nina Ren para sagipin ka.”

“…at dumating kami nina Ren para sagipin ka.”

 "...nina Ren..."

"...Ren.."

"..Ren.."

Okay tama na, nakuha ko na. hindi nga ako nagkamali ng dinig. Talaga ngang sinagip ako ni Jin ren ko. Waaaaah! Kinikilig na naman ako.

“S-si Jin Ren ko?” di ko pa rin makapaniwalang tanong kay best friend.

I'm Courting Mr. ColdWhere stories live. Discover now