Chapter LVIX - School Festival Day 1

2.7K 63 22
                                    

Chapter LVIX

**YURI's POV**

"Welcom to Maid and Butler's Cafe!"

"We have many affordable offers." sabi ko pa habang iniaabot ang mga flyers. Ito kasi yung assigned task ko, ang mag-abot ng mga flyers.  Unang araw ngayon ng school festival namin at Maid and Butler's cafe nga pala ang naisipang event ng class namin. 

Hayy, gusto ko nang makita si Jin Ren ko. T.T Naroon siya sa kusina ng aming cafe ngayon. Hindi ko alam kung ano ang trabaho niya roon. Wala naman siyang alam na kahit na anong gawaing kusina eh.

 "Hello everyone! Try to visit our cafe full of beautiful maids and handsome butlers!"sabi naman ni Ria, kasamahan ko sa pamimigay ng mga flyers, habang iniaabot ang mga flyers sa bawat estudyanteng dumadaan sa tapat ng aming cafe. Ngunit masyadong mahina ang business namin at kakaunting estudyante lamang ang bumibisita rito.

"Ang konti lang nang mga customers natin. Paano na 'to? Mahihirapan tayo netong maibalik lahat ng mga nagastos natin."sabi pa ni Ria sa akin habang tinitignan ang huling customer namin na lumabas paalis nang amin cafe. Mga tatlong oras na simula noong nagbukas ang aming cafe, pero bilang lamang customers na bumisita sa aming cafe. 

Isa itong malaking problema para sa amin. Kung magpapatuloy ito, kung kakaunti lang ang customers namin, mahihirapan kaming maibalik ang mga perang ginamit namin sa panggastos para sa cafe. Sariling mga pera pa naman namin ang ginamit namin.

"Oo nga eh. Maganda naman ang cafe natin, affordable naman ang mga prices, at isa pa ang gaganda at ang gugwapo naman ng mga maids and butlers natin. Pero bakit konti lang ang pumupunta rito?" balik-sabi ko naman.

"Yun na nga eh."sagot niya.

"Yuri, Ria, pasok muna kayo. Kailangan muna nating mag-meeting saglit."tawag sa amin ni Aisha na siyang class president namin. Matapos niya kaming tawagin ay agad naman kaming sumunod sa kanya papunta sa loob ng aming cafe. 

"Andito na ba ang lahat?"tanong ni Ms. President.

"Yes!" sabay-sabay naming sagot.

"Mabuti."sabi naman ni Aisha.

"Okay, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam kong alam niyo na mahina ang takbo nang ating cafe, at isa itong malaking problema para sa atin."paninimula pa ni Aisha.

"Kailangan nating mag-isip ng isang gimik o strategy para mapalakas ang takbo nang ating cafe. May mga suggestions ba sayo?"tanong niya sa amin. 

"Ahhm, what if magbigay tayo ng freebies?"pagmumungkahi pa ni Adrian, Vice-president namin.

"Freebies? Gaya ng ano?"tanong naman ni Aisha.

"Free cookie for every purchase of any beverages."sagot naman ni Adrian.

"Hmm..."yun lamang ang naisagot ni Aisha at tila'y pinag-aaralan pa niya nang mabuti ang sitwasyon.

I'm Courting Mr. ColdWhere stories live. Discover now