CHAPTER XVI - Walang Sikreto Ang Di Nabubuko

6.6K 97 8
                                    

CHAPTER XVI

**YURI's POV**

Nakauwi na ko sa bahay. Of course hinatid ako pauwi ni Jin Ren ko nuh.

Hayyy, ang sarap-sarap pala sa pakiramdam pag pinapansin, kinakausap, nakikipagbiruan, nginingitian, at nakikipagtawanan sayo ang taong mahal mo noh?

Pwede na kong mamatay sa sobrang saya ngayon. Pero syempre ayoko pa muna noh, marami pa kong pangarap sa buhay.

Gusto ko pang maging boyfriend ko si Jin Ren ko, tapos magpapakasal kami at magkakaron ng madaming anak. HAHA

Andito ako ngayon sa kwarto ko, nakahiga at nagda-daydream. Kung ano yun? Alam niyo nay un! :P

Oo nga pala! Muntikan ko nang makalimutan. Isususulat ko nga pa pala sa journal/checklist ko ang mga nangyari ngayon.

Kinuha ko na yung journal/checklist ko at isinulat ko na nga dun yung mga nangyari sa amin ngayon. At syempre pa, nilagyan ko na ng check ang HUG and DATE… wahahaha.. 4 more to go and we will live happily ever after na.

pero mukhang ang hirap-hirap naman ata nung tatlo- be in a relationship, engaged at married.

Hay, pero wala namang imposible eh. All I have to make sure is maging kami ni Jin Ren ko. And I have to do my best para hindi na siya hahanap ng iba at para mauwi na sa kasalan. Oh diba great plan? Hahaha

Tinago ko na ulit yung journal/ checklist ko. At nakita ko naman dun yung album.

Album na kung saan lahat ng mga larawan na yun eh puro mga stolen pics lang ni Jin Ren ko. HAHA

nagsto-stolen pic ako sa kanya nung last year (see pic at the right side of the screen), grabe talaga para talaga akong stalker este admirer pala niya. Halos lahat ng mga bagay na ginagawa niya araw-araw eh pinipicturan ko.

meron nga ko rito picture niya na nagkakape pa siya habang nagtetext. Meron din yung kunwari nagbabasa siya ng libro pero tulog pala siya, naglalakad siya sa mall, kumakain, aba pati nga yung kumakanta siya sa videoke na bukas na bukas ang bibig niya eh meron din ako nun. At ang matindi pa,  pati  yung natutulog siya na natutulo pa ang laway niya meron rin ako rito. HAHA, kahit tulog siya at may panis na laway pa ang gwapo pa rin talaga niya.

Ako na, ako na talaga ang dakila niyang admirer. :D

I'm Courting Mr. ColdKde žijí příběhy. Začni objevovat