CHapter LVXXI

2.3K 69 29
                                    

+YURI's POV+



"Oh, Yuri? Kamusta date niyo nina Ren?"excited na tanong sa akin ni Darlene.



"Date?"sabi ko pa.



Date ba ang tawag dun? Eh ni wala nga akong ibang ginawa kundi ang ma-high blood lang eh. Sa tuwing naiisip ko ang nangyari kanina, nanggigigil ako!!



"B-bestfriend? Nakakatakot ang itsura mo. Parang gusto mong pumatay ng tao. May nangyari ba?"tanong pa ni Heina.



"Tch! Eh pano ba naman kasi...."



*FLASHBACK*


Kanina pa kami palibot-libot nina Jin Ren ko dito sa school. Pero ni isang booth wala pa kaming binibisita. Paano ba naman, sa tuwing yayain ko si Jin Ren ko na pumasok sa mga booth gaya nung "Couple's Cafe", "Wedding Booth", at kung ano-ano pang pang-couple ay tinanggihan niya lahat. 


At heto nga kami ngayon. Kumakain ng ice cream sa may tabi-tabi.


Oh My GOD!? My first ever "public and school date" with Jin Ren ko eh ganito lang? Kumakain ng ice cream tapos sa may tabi-tabi pa lamang talaga?!



No, Yuri! May chance ka pang i-improve tong date niyo. Mahaba pa naman ang time eh.


Tama. Dapat positive lang ako lagi.



"Hmmn.. Wala sa itsura pero masarap din pala 'tong Ube flavor na ice cream." sabi pa niya habang kinakain ang ice cream niya.



Talaga bang nae-enjoy niya ito?



"Bakit?" tanong pa niya. Umiling-iling naman ako.



Syempre, ayoko na rin namang magreklamo pa sa kanya. Maswerte na nga ako at pumayag siyang maglibot kaming dalawa. Like you know? First time kaya naming maglibot-libot nang magkasabay rito sa school as boyfriend and girlfriend. 



Hmmn. Tama. Ayos na sa akin to. Basta kasama ko si Jin Ren ko, masaya na ako.



"I see." sabi pa niya.



"Ma'am, Sir. Try to visit our horror house, exclusively for couples." paulit-ulit na sabi nung lalake na naka-costume pang pan-Dracula sabay iniaabot ang mga fliers na hawak niya.

I'm Courting Mr. ColdWhere stories live. Discover now