CHAPTER XXXVIII - Trip Niya Ako

4.5K 55 16
                                    

CHAPTER XXXVIII

**YURI’s POV**

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!”- ako

Sa sobrang gulat ko nang bigla siyang magsalita eh bigla na lamang ako napasigaw. Dali-dali akong tumayo at muntikan pa akong matumba dahil sa na-out of balance ako buhat ng pagkakataranta.

Buti na lamang talaga at nasalo ako ng mahal ko at… at… nagkahalikan kami!

WAAAAAAAAAAAAAAAH!!!! Pero joke lang yun! HAHAHA

kayo naman... Pero eto, totoo na to...sobrang lapit ng mga mukha namin. pareho pa kaming dilat na dilat ang mga mata dahil sa nangyari.

Habang kilig na kilig na ako sa posisyon namin eh bigla naman niya akong tinulak sa kama.

BOOGSH!

Aray! Ang sakit nun huh! Tadyakan ko siya eh!

“Bakit mo ko tinulak?” asar na tanong ko sa kanya.

“Eh ba’t ka kasi nanggugulat?” tanong din niya sa akin.

Abah, ako pa raw ang nanggulat sa kanya. Eh siya nga tong nanggungulat eh. Bigla ba namang magsalita. kaasar!

“Duh, ikaw kaya ang nanggugulat diyan! Bigla-bigla na lang nagsasalita!” pambawi ko sa kanya.

“Eh sino ba namang may sabi sayo na titigan mo ako ng ganong kalapit?” bawi rin niya sa akin.

Abah! Ayaw magpatalo huh! Pero mukhang talo na ako dun sa huling sinabi niya. eh sa totoo naman talaga yung sinasabi niya. eesh, nakakasaar! Nakakahiya ka Yuri! Bakit mo pa naman kasi ginawa yun.

“Oh ano? Natameme ka diyan? Napahiya ka noh?”pang-aasar niya sa akin.

Abaaah!!! Mukha nga talagang pinagtritripan ako ng lalakeng to huh?! Pansin ko lang kanina pa niya ako inaasar at nilalait! Psshh!! Kala naman niya magpapaapekto ako sa kanya.

“H-hindi noh! Pahiya ka diyan!? Upakan kita diyan eh!?” sabi ko sa kanya.

I'm Courting Mr. ColdWhere stories live. Discover now