Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Chapter 2. The Devil

285K 8.3K 270
                                    


Slow-mo na lumapit sa akin ang lalaking pantasya ng aking buong buhay at pagkatao. Hindi ko malaman kung mamimilipit o mamamaluktot sa sobrang kilig na nararamdaman. He started to talk. Alam ko 'yon dahil nagsimulang gumalaw ang natural na mapula niyang mga labi. Pero sa kasamaang palad walang kahit na anumang salitang rumehistro sa toktok ko. Wala akong naintindihan sa mga sinabi niya dahil abala ang utak ko sa pag absorb ng katotohanang kaharap ko na ngayon ang taong laman ng bawat kong imahinasyon at panaginip.

Si Drico Antonio DiVanne. First of all, he's a prince of hell, secondly; he's a Greek billionaire. Sa madaling salita, imposibleng nasa harapan ko siya ngayon. Pero paanong siya pa mismo ang nagdala sa akin sa lugar nito?

"...Rebecca Victoria... damn that lady...."

Naibalik sa totoong mundo ang utak ko ng mga salitang 'yon. Minura niya ba si Rebecca? Tama ba ang pagkakaintindi ko? Anong problema ng matangkad, mabango, at sobrang gwapong lalaking 'to sa akin at sa kapatid ko? Bigla ang pagpitik ng alaala sa utak ko. Ang tawag ni Rebecca!

Kaya naman nang muli siyang nagsalita nakabalik na ang huwisyo ko mula sa alapaap pero wala din akong naintindihan dahil purong Greek ang lumabas na linggwahe sa bibig niya. Base sa tono at sa expresyon ng mukha niya, pakiramdam ko ako naman ang minumura niya.

Humugot ako ng isang malalim na hininga para ibalik ang sariling katinuan at kalmahin lahat ng ugat ko sa katawan. Hindi ko alam kung tama pa ba ang pagkakasalansan ng utak ko matapos ang matinding shock na pinagdaanan nito. Daig ko pa ang na-starstruck ng isang milyong beses. "Tagalogin mo hindi kita maintindihan," pilit kong kinalma ang boses ko.

Kumunot ang noo ni Drico. Pati pagkunot ng noo sexy? Hanunah Hannah? Tulo laway na?

"I understand that you are Rebecca Victoria's younger sister and her only remaining family."

Sabi nang tagalog eh. Pero bumangon ang kuryusidad ko sa narinig. "Anong kailangan mo sa kapatid ko?"

His jaw tightened as he gave me a furious answer. "Your sister betrayed me. She will pay for it with her own life!"

Ano daw? Inabot ng isang minuto bago nagsink-in sa utak ko ang sinabi niya. Anong kagagahan ang pinasok ng kapatid kong 'yon at pati isang taong kagaya ni Drico Antonio DiVanne ay pinatos? Ano suicidal? Pero matalino si Rebecca, alam kong ambisyosa ang babaeng iyon pero nag-iisip 'yon. Baka na-frame-up lang siya o baka naman misunderstanding lang? Nakakatakot pa naman ang mga Prince of Hell. They were all known for their psychotic tendency to be very bad at isang suicide mission ang banggain sinuman sa kanila. Syempre alam ko bilang isang batalyon kami ng mga kaibigan kong stalker ng lahat ng myembro niyon.

"Kung anuman ang kasalanan sa 'yo ng kapatid ko, hindi 'yon sapat para pagbantaan mo ang buhay niya. At saka baka nagkakamali ka lang. Hindi masamang tao ang kapatid ko."

"Do you even know exactly what she stole from me? It was an ancient goblet owned by the DiVannes' for a thousand of years now. From generation to generation, we regarded that thing as a priceless heirloom and a symbol of our clan. Ang halaga ng ninakaw niya sa akin ay higit pa sa pinagsamang buhay ninyong dalawa. At alam mo ba kung ano ang ginagawa ng mga royal family sa Greece kapag nagnakaw ang isang alipin? Pinuputulan ng kamay at paa sa harap ng maraming tao bago patayin. Maswerte si Rebecca kung pagpatay lang ang gagawin ko sa kanya—"

"Hep! Hep! Noon 'yon. Hindi mo pwedeng gawin 'yan ngayon dahil labag sa batas 'yan at karapatang pantao!"

"She coveted a thousand-year-old goblet, she deserves a thousand-year-old punishment. Besides, I can always make her death look legal..."

The Devil's Stolen HeritageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon