Wattpad Original
There are 3 more free parts

Chapter 7.Dealing W/ DiVanne

257K 9.2K 922
                                    


Nang maibaba niya ako sa gilid ng kama ko, kumuha siya ng malinis na tuwalya at inabot sa akin.

"Magpatuyo ka," utos niya.

Nadismaya ako ng very light doon, akala ko pa naman tuloy-tuloy na ang biyaya ko sa araw na ito at pupunasan niya rin ako. Humaba tuloy ang nguso ko sa kanya. Mahina kong kinuskos ng tuwalya ang basang ulo. Dahil nanghihina pa nga ang buo kong katawan at syempre nagmamaktol ni hindi ko mahawakan ng maayos ang tuwalya.

Tumirik ang mga mata ni Drico sa ginagawa ko. "You're hopeless," pagkasabi niyon ay inagaw niya sa akin ang tuwalya at siya na ang nagpunas ng buhok ko. Lihim pa akong napakapit sa kama sa pagnamnam ng sandaling sa pangarap ko lang nararanasan. Buong akala ko'y mamamatay akong tigang kay Drico at hanggang sa pangarap nalang ako. Hanggang sa paghalik na lang ako sa mga pictures niya. Hindi ko akalaing ganito kabait si Lord para pagbigyan Niya ang sagad-butong kahilingan ng aking puso. Hindi ko talaga mapigilan ang mamilipit sa kilig, abot tainga pa ang ngisi ko. Mabuti na lang naka-focus siya sa pagpapatuyo ng buhok ko kaya hindi niya napansin ang dinaranas kong landi-attack!

"Ba't mo ko niligtas?" Kunwa'y tanong ko.

Naupo siya sa harapan ko, kitang-kita ko sa malapitan ang mukha niya. He was now wearing a sinfully sexy black robe that was slightly open showing a glimpse of his hot Greek olive skin. Ang sarap sigurong haplusin ng katawan ni Drico. Ang sarap dilaan ng balat niya. Nakakatakam, para akong timang na nakatitig sa dibdib niya na gutom na gutom!

"Because I still need you. It's too early for you to die..."

Naks naman! Tumbling ang puso ko doon. Parang sinabi na rin niyang, I need you because I love you, ang sarap sa pakiramdam.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" kunot-noong untag niya sa akin.

Narealize kong nakatawa nga talaga ako at hindi ko mapigilan.

"Wala."

"I'm giving you your phone back."

"Talaga?"

"Sabihin na lang nating It's my way of showing gratitude for what you did earlier. You still have tried to save me kahit hindi naman kailangan...and it almost cost you your life."

Tama ba ang narinig ko? Si Drico ba talaga ang nagsabi nun? Mahiwaga talaga ang araw na 'to ang daming surprises.

"I'll send one of my staffs to help you here. Pagkatapos kung kaya mo na, meet me downstairs, hindi ako komportableng makipag-usap sa 'yo dito."

Nang makaalis si Drico saka ko lamang napansin kung bakit ang mga mata niya hangga't maari ay nakatutok lang sa mukha ko habang nag-uusap kami. Nang tingnan ko ang sarili sa salamin, walang nagbago sa anyo ko, I was still a very wet lady in a very wet and see-through pink dress. My white bra and undies beneath the freakin' good-as-naked dress didn't give much effort in concealing my intimates.

Nakagat ko ang labi sa hiya. Leche baka isipin pa ni Drico na sinasadya kong magbilad ng katawan sa kanya. Kahit pa maganda ang katawan ko, well-toned ang feminine muscles at well define ang girly abs ko dulot ng trainings, hindi pa rin tamang basta nalang pabayaan ang lalaking kagaya ni Drico na magfiesta doon.

Kung sabagay, mukha namang hindi siya nag-enjoy. Umalis nga kaagad eh. Ako lang 'tong nagpantasyang apektado siya sa akin. Kahit nga siguro halikan ko siya hindi siya magkakainteres.... teka!

Napahawak akong bigla sa mga labi. Paano niya ako niligtas kanina? Paanong bigla akong nagkamalay at nakabawi ng hininga. Uso ang mouth to mouth resuscitation sa mga nalunod, hindi kaya...

The Devil's Stolen HeritageWhere stories live. Discover now