Wattpad Original
There is 1 more free part

Chapter 9. Deep Wildness

260K 8.9K 1K
                                    


Masyadong matinik ang mga kalaban. Asentado ako pero magaling umiwas ang driver ng mga kalabang sasakyan.

"Bagalan mo," baling ko kay Drico. "Napipikon na ako sa mga ito!" Namumula na ang pisngi ko sa asar. Hindi ako sanay na hindi tumatama ang mga balang pinapakawalan ko. Simula't sapul ng mga training na pinagdaanan ko, ni minsan hindi ako sumablay sa anumang misyon na binigay sa akin. Pero sa pagkakataong ito nakakaraming bala na ako, isang kotse pa lang ang napapatumba ko at masyado nang masakit sa pride!

"I can't, they'll catch us," sagot ni Drico na tutok ang mga mata sa daan.

"Ako ang bahala, bagalan mo!"

Masamang tingin ang ganti niya. "Can you just sit there and let me think? Hindi ako makapag-isip ng maayos ganyang nakalabas 'yang bungo mo sa bintana!"

"Gusto kitang tulungan alam ko ang ginagawa ko. Magtiwala ka nalang sa 'kin, pwede?"

Alam kong ang mga lalaking kagaya ni Drico na sanay na maging bossy, hindi ko magagawang manduhan kahit na magtaas pa ako ng boses. Ang mabisang paraan para sa lalaking ito ay ang makiusap ng may kasamang lambing. Soothe the beast's ego, ika nga.

"Fine! Pagod na rin ako. Let's take care of them right here!" His jaw tightened. His eyes narrowed in lack of patience.

Napatitig ako sa panibagong bangis na gumuhit sa mga mata niya. Naging mahigpit ang hawak ko sa baril, hindi ko alam kung ano ang plano niya pero kampante akong kaya kong sabayan iyon. He took another gun from a secret compartment and used one hand to handle the wheels. Napapahanga ako sa bawat galaw niya. He was a pro in everything, alright.

He didn't just slow down, he back drove the car furiously. Ikinagulat ng dalawang kasunod na kotse ang ginawa niya, upang makaiwas ay napilitan ang mga itong gumilid at sumadsad sa mabatong parte ng daan. Drico made his way in between two smoking cars. Wala siyang pinalampas na oras. Binaril niya ang bintana ng mga kalabang sasakyan. He didn't care if he killed them all, his eyes were ruthless.

Inangat ko ang baril ko upang paulanan din ng bala ang kotseng nasa gawi ng bintana ko. Ngunit bago ko pa man makalabit ang gatilyo, I saw someone who shouldn't be inside the enemy's car. Rebecca. My older sister. Nanlaki ang mga mata niya sa akin, at umiiling-iling, parang sinasabi na huwag iputok ang kanyang baril.

Naalarma ako. Hindi ko naiputok ang baril na hawak ko. Dahilan para kami ang sumalo ng bala na galing sa kalaban. Sa naggigitgitan naming mga kotse sa makitid na daan, naitutok ng kalaban ang baril sa mukha ko, hindi ko magawang yumuko. Kapag yumuko ako, siguradong si Drico ang tatamaan ng bala niyon. Wala akong choice. Ngunit bago pa man makalabit ng kalaban ang gatilyo naisara na ni Drico ang bintana ng kotse. The bullet hit the bulletproof glass window of his car.

"Shit!!"

I heard him cursed so loud, halos ikabingi ko. Pinaabante niya ang sasakyan pero huli na, nagkaroon ng pagkakataon ang kalaban na pasabugin ang gulong ng sasakyan namin. Gumiwang-giwang kami halos malamog ang katawan ko sa alog ng kotse.

Nang huminto iyon, napilitan kaming lumabas. Hinawakan ako ni Drico sa kamay at hinila papasok sa madilim at masukal na kakahoyan sa gilid ng main road. Nang lumingon kami sa pinanggalingan, ilang mga lalaki ang lumapit sa kotseng iniwan namin para siyasatin. Kaya naman ng pindutin ni Drico ng itim na device na hawak niya, sumabog ang kotse kasabay ng mga kalabang lumapit doon.

Nahintakutan ako sa mga naganap. Sa pelikula ko lang napapanood ang mga pangyayaring ganito. Halos hindi kayanin ng dibdib ko.





Parang walang katapusan ang ginawa naming pagtakbo. Halos maubos na lahat ng stamina na nakaimbak sa katawan ko. Hiningal ako ng sobra.

The Devil's Stolen HeritageWhere stories live. Discover now