Wattpad Original
This is the last free part

Chapter 10. The Kiss

246K 8.8K 1.3K
                                    


Imagine you are in a very small room.

Imagine the room was dim lighted and well-scented.

Imagine a very soft, overly romantic music in the air.

And you're sleeping in a tiny bed, back to back with the man of your dreams.

Inggit kayong lahat, dahil ako 'yon! Kumikiskis ang likod ko sa likod ng pinapangarap kong lalaki, at katabi ko siya sa isang napakaliit ngunit malambot na kama ng motel. I was living my dreams at the moment. Ngayon niyo sabihin sa mukha ko na imposibleng mangyari ang mga pantasya ko kay Drico? Lahat ng taong komontra sa akin noon, WHO YOU kayong lahat sa akin ngayon.

"Drico...gising ka pa?" Kagat labi kong bulong. Magkatalikod pa rin kami sa isa't isa. Hindi siya umimik. Hindi rin gumalaw. "Drico..." Pangungulit ko.

"Shut up." Sa wakas sagot niya. Napasimangot ako. Sinadya kong humarap sa kanya. Hindi ko inaasahan na sobrang close na'min sa isa't isa nadikit ang labi ko sa leeg niya nang bumaling ako. Napamulagat ako pero hindi inalis ang mga labi. I just tasted Drico's skin. His neck. His mouth-watering, very delicious neck.

Sumingit sa nangangarap kong utak ang isang kantang narinig ko sa jeep.

Ginalaw ko ang mga labing nakadikit sa leeg niya. Pumikit pa ako at ninamnam iyon. Dumilat lang ako ng gumalaw ang kamang hinihigaan, senyales na humarap si Drico. I found myself wide-eyed, helplessly staring straight to his deep enchanting dark eyes. Magkatapat ang mga mukha namin, habang halos walang pagitan ang mga labi sa isa't isa. Nakanguso pa ako sa kanya.

"What are doing, Hannah?"

Nalanghap ko ang mabango niyang hininga.

"I didn't know that I was starving till I tasted you. Don't need no butterflies but you gave me the whole damn zoo. By the way, by the way you do things to my body. I didn't know that I was starving till I tasted you...".

Nagsalubong ang kilay niya. Yun ang kantang pumasok sa utak ko.

"What?"

Oh. He's so cute when confused. Such an adorable devil. "Kumakanta ako."

"It's not a song."

"It is. Starving ang pamagat. Narinig ko sa jeep."

Napakurap siya. "When you sing you put rhythm on it... you don't just say it..."

"Eh sa hindi ako marunong kumanta eh, kaya sinasabi ko na lang..."

Tumirik ang mga mata ni Drico. Parang nasisiraan na ng ulo sa akin.

"Ewan ko sa 'yo. Sumasakit ang ulo ko sa 'yo. Alam mo kung ano ka? Isa kang malaking sumpa. Bakit kailangang makasama kita dito?"

Napalis ang ngisi ko. "Bakit? Kasi pinakidnap mo ako. Nanahimik ako sa lugar ko, dinala-dala mo ako dito!"

"Oo na. Tumahimik ka na. Matulog ka na lang."

"May tanong ako..." Aniya.

"Ano?" May kunot pa sa noo nito.

"Umamin ka nga sa 'kin. Totoo talaga ang powers ng goblet 'no? Luto ka talaga ng demonyo kaya ganyan ka kagwapo?"

Mas lalo lang kumunot ang noo niya. At mas lalo lang lumala ang kagwapohan niya sa paningin ko.

"'Yan ba ang epekto ng amoy ng pulbura sa 'yo?"

"Hindi. Ito ang epekto ng amoy mo sa 'kin. Anong brand ng pabango mo?"

icon lock

Show your support for Mean_Vee, and continue reading this story

by Mean_Vee
@VixenneAnne
Hannah has always had unconditional feelings for Drico Antonio Divann...
Unlock a new story part or the entire story. Either way, your Coins help writers earn money for the stories you love.

This story has 32 remaining parts

See how Coins support your favorite writers like @VixenneAnne.
The Devil's Stolen HeritageWhere stories live. Discover now