قصة أصلية لـ واتباد
مازال هناك فصلان (2) مجانيان

Chapter 8. The Bodyguard

243K 9K 915
                                    


The following night we have attended one of the most famous socialite gatherings in the business world. The venue of the party was one of DiVanne Realty's biggest hotels in the metro. Maraming mayayamang tao ang dumating. Base sa mga alahas sa katawan at sa kasuotan, hindi basta-bastang mga negosyante ang mga ito.

"Nag-arranged ka ng ganito kagarbong party para lang ipangalandakan sa publiko na kasama mo ako?" Bulong ko kay Drico habang nakakawit ang kamay sa braso niya sa kadahilanang anumang oras ay tatraydurin ako ng 4 inches heels ko na ga-pako sa nipis. "Ang sweet mo naman..." dagdag ko pa.

Nagsalubong ang kilay ni Drico. Wala siyang pakialam kahit pa nakatutok sa pagmumukha niya ang camera ng halos lahat sa mga reporter sa paligid. Hindi man lang nag-abalang ikubli ang gaspang ng ugali. Kung ssabagay, he has bad reputation already, wala na siyang itatago pa. "Hindi sa 'kin ang party na 'to, I own the place yes, but the party is someone else's. The client just requested my presence here."

Alam ko naman 'yon. Gusto ko lang mang-asar. Pero dahil sa paraan ng pagkakasabi niya, pakiramdam ko napahiya pa ako. Sumama na din ang timpla ng mukha ko. Ngali-ngaling apakan ko ng matulis kong takong ang paa ng masungit na lalaking 'to. Nakakagigil! Sinadya kong bumitaw sa braso niya sa asar ko, at syempre hindi man lang siya nagtangkang ibalik iyon.

Lihim kong pinag-aralan ang paligid. Itinuon ko nalang ang atensyon sa mga bodyguards na nakapalibot. Isang maling galaw ng mga ito, malalaman ko kung nasa paligid si Rebecca. Pumayag akong maging pain, dahil sa oras na lumitaw ang kapatid ko, may pagkakataon akong ipagtanggol ito. Kesa naman sa nakakulong lang ako sa mansyon at hindi ko alam kung ano ang kalagayan ng kapatid ko sakaling mahuli ito ng Drico.

Sinadya kong dumistansya kay Drico. Ilang mga binatang mayayaman ang alam kong nakapako ang tingin sa akin dahil sa damit ko. Nakakaasiwa ang malalagkit na titig nila sa kabuoan ko. I wore a long body-fitted black gown with plunging neckline, kahit ayaw ko kusang gumagalaw ang umaapaw kong cleavage sa tuwing naglalakad. Bukod pa doon, kompleto sa kolorete ang mukha ko.

Walang nagtangkang lumapit sa akin kahit pa madami ang nakatitig. Dahil ba alam ng lahat na kasama ako ni Drico? Ganito ba ang pakiramdam ng maging isang partner ng isang Prince of Hell? Well... Naitungo ko ang noo sa naisip.

Hinagilap na muli ng mga mata ko si Drico. Hindi ko ito kaagad nasumpungan sa dami ng mga tao sa paligid. Pero ikinagulat ko nang magsalubong ang tingin namin. Wait a minute. Did I just catch him staring at me from afar? Akala ko naghahallucinate lang ako. Pero napatunayan kong hindi nang ikurap ko ang mga mata at masumpungan siyang nakatitig pa rin sa akin.

Ngumiti ako. Yung ngiting hindi pilit. Yung ngiting masaya na medyo nakasingkit ang mga mata. Yung ngiting malandi. Dahil doon ibinaling ni Drico ang tingin sa mga kausap na businessman at tinalikuran ako ng husto. Sus, KJ. Aasarin ko siya mamaya. Itatanong ko kung bakit siya nakatitig sa kagandahan ko ngayong gabi.

Natuon ang atensyon ng lahat nang isang matandang lalaki ang umakyat sa entablado upang bumati sa kanyang mga bisita. Totoo naman pala ang sinabi ni Drico kanina, maybe this old man rented the whole place to celebrate his business success.

Kumuha ako ng isang baso ng red wine mula sa dumaang hotel staff habang ang mga mata ay nakamasid sa paligid. Panaka-naka ay sumusulyap ako kay Drico na abala sa pakikipag-usap sa ibang mga bisita.

The Prince of Hell was wearing his favorite black executive suit. Kahit na hitik na hitik sa mga gwapo at mayayamang lalaki ang buong lugar ay bukod tangi pa rin siya sa lahat. Hindi ko iyon sinasabi dahil crush ko si Drico, sinasabi ko iyon dahil 'yon talaga ang totoo. Bukod tangi at nangingibabaw sa lahat ang taglay niyang kagwapuhan. Kahit na hindi siya marunong ngumiti at madalas na seryoso ang mukha, wala nang hihigit pa sa napakaeleganteng paraan niya ng pagdadala ng sarili.

The Devil's Stolen Heritageحيث تعيش القصص. اكتشف الآن