Writing Tip #08: Lesson Of The Story

417 17 0
                                    

Kung may nabasa na kayong story na 'yung bida, masyadong masama, 'yung tipong hindi yata pinanganak na may kabaitan, masaya basahin kasi nakakatawa 'no? Alam ko, may nabasa na akong ganun. Pero take note sa inyong lahat, huwag po sanang ma-OA-yan ang pagkasama nung bida natin ha? Tapos walang kwenta 'yung dahilan.

Okay lang kung may mabigat na dahilan eh. Kung wala 'wag mo na ituloy dahil tatadyakan ko kayo.

Example ng mababaw na dahilan?

Example:

Story: The Cold Hearted Princess (Sorry kung may kaparehong title, masyado kasi akong magaling kaya hindi ko alam kung may kapareho akong title. Huwag na kayong magreklamo, example lang 'yan, tssssk!)

Reason kung bakit cold hearted si girl: Nasaktan noon at ayaw niya 'raw' maulit ang nangyari sa kaniya noon kaya gumawa siya ng 'wall' sa paligid niya para lumayo sa iba.

End of Example

Comment ko?

Hah, unang una sa lahat, masyadong mababaw si girl (para sa'kin). Hindi mo naman kasi kailangang magbago kasi nasaktan ka lang ng isang beses, dapat ang gawin nung bida, gawin 'yung lesson sa buhay niya para matuto hindi para maging masama.

Masyado na siyang BI sa readers ha.

BI, bad influence po 'yan para sa mga hindi nakakaalam.

Oo, sabihin na nating fiction. Pero kasi binabasa 'yan ng iba't ibang tao. Minsan naadapt na nila ang personality ng character sa isang storya, 'yung tipong memorize na memorize kasi nagustuhan nila?

Kung gagawa ka ng fiction story, lubusin mo na 'yung pagkamayaman nung bida, 'yung pagkaperfect niya, 'yung pagkagenius niya and such, HUWAG NA HUWAG LANG NA GAWIN MONG OA SA KASAMAAN ANG BIDA MO.

Kasi kahit pa fiction story 'yan, dapat may natututunan ang readers mo. Anong silbi ng paggawa mo ng story kung wala naman silang natututunan sa story mo? Edi sayang lang effort mo magsulat ng story. Sana hindi ka na lang magsulat.

Gumawa ka ng story na makabagbag damdamin ang reason nung bida o 'yung problema nung characters mo hindi 'yung basta reason lang na pwedeng pwede namang huwag gawing big deal.

Well, 'yun lang naman.

Basta siguraduhin mo lang na may lesson ang story mo. 'Yun lang naman talaga ang message ng Writing Tip na 'to, pinahaba ko lang.

Pero mind you, minsan depende na lang kung paano mo dadalhin.

Kung wala naman kayong magandang dahilan 'wag kayo sa akin magreklamo maghanap kayo ng abogado at tsaka magsampa ng kaso.

Oh di'ba ng rhyme pa? Hayaan niyo na ako minsan lang mangyari 'to.

ALAM KONG HINDI LAHAT AGREE DIYAN PERO WALA AKONG PAKE. 'YAN HA, NAKA-CAPS LOCK PA PARA INTENSE. 'YAN LANG NAMAN KASI ANG SA TINGIN KO. KUNG HINDI KA AGREE, LUMAYAS KA NA.

^______^

-B_A_S_H_E_R

Writing Tips #101 and How to Bash #102Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang