Writing Tip #13: Effects

194 12 0
                                    

I'm back...

*sobs from the reader*

Ha-ha! Alam ko namang na-miss niyo na akong lahat at na-miss niyo ang kagwapuhan ko. Wala tayong magagawa, nagsasabi lang ako ng katotohanan *winks*

Mabalik tayo...

Gaya ng nabasa niyong title ng Writing tip na 'to na effects, kapansin pansin kase na ang ibang writer diyan, maglalagay na lang ng effects, sisingit pa sila.

Example? Miss niyo 'no? Pero sige, pagbibigyan ko kayo *winks*

Example (√)

Girl's POV

Tumatakbo na ako papuntang school nung napansin ko na malelate na ako. Napasarap kasi ang tulog ko eh! Binilisan ko pa ang takbo ko dahil malapit nang isara ng guard ang gate. Papasok na ako ng gate nang...

*boogsh*

Nabangga ko lang naman ang poging nilalang na nasa harap ko at mukha rin siyang late dahil pawis na pawis siya at blah blah blah.

End of Example (√)

Ganiyan ang tama, people. Ganito naman ang mali...basa!

Example (×)

Girl's POV

Tumatakbo na ako papuntang school nung napansin ko na malelate na ako. Napasarap kasi ang tulog ko eh! Binilisan ko pa ang takbo ko dahil malapit nang isara ng guard ang gate. Papasok na ako ng gate nang...

*wapak shing shang soouuaaagh~!*

(Author: Sorry, walang budget ang author kaya ganyan ang sound effects)

At katulad lang nung nabasa niyo kanina.

End of Example (×)

Siguro nakabasa na kayo ng ganyan 'no? People, mali 'yan para sa impormasyon niyo. Kung akala niyo nakakatawa 'yan, well, pasensya pero para sa iba, hindi 'yan maganda sa mata lalo na sa mata kong Pogi katulad ko.

May ilan tayong angkop na sound effects. Pero kung hindi niyo alam 'yung sound effect edi sabihin niyo na lang. Papahirapan niyo pa sarili niyo eh.

*boogsh* ang madalas ginagamit kapag nababangga tama ba?

'Wag 'yung wapak dahil baka karatehin ko kayo ng wala sa oras.

*sobs* naman kapag umiiyak, 'wag sing hot, baka pagkamalan pa kayong nakasinghot.

Marami pang iba pero tinatamad na akong sabihin, bahala na kayong alamin.

Pansin ko kasi na may ganiyang author. Panigurado naman, kung ipapublish 'yang libro niyo, ipaaalis 'yon at ipapabago dahil bukod sa hindi maganda 'yung sound effects niyo, may singit pa na authors note sa kalagitnaan ng pagbabasa. Ang alam ko may tip na rin ako tungkol don. Kayo na lang umalala kung saan dahil masyado akong Pogi para balikan ang nakaraan.

Oh di'ba? Pogi ko kase.

Anyway, hanggang dito na lang ang Writing Tip ko ngayon dahil wala na akong maisip. Basta ang alam ko lang, ang pogi ko at 'yon ang katotohanan.

Pogi ko talaga.

*winks*

*the girl reader faints*

Pogi ko kase.

-B_A_S_H_E_R (THE POGI ONE)

Writing Tips #101 and How to Bash #102Where stories live. Discover now