Writing Tips #16: Read Some Good Stories

151 11 1
                                    

Nabasa niyo naman siguro ang pangalan ng Chapter di'ba?

Tama kayo ng basa. 

MAGBASA KAYO NG MGA LIBRO.

Hindi 'yung libro na masyadong mainstream, gasgas, cliché, at iba pa. 'Yung may kakaibang plot, twist, magandang pagkakadeliever, nararamdaman mo kung anong nararamdaman ng character, at 'yung kakaibang character mismo. Mahirap isa-isahin pero 'yung may ganiyan. Magbasa ka HINDI PARA KUMUHA NG PLOT. PLAGARISM 'YON. Napapansin kong paulit-ulit na lang ang mga storyng nasa rank. 

Hindi ako sigurado kung anong genre pero ang alam ko, isa ang Action, Fantasy, at Mystery sa may genre na kapag tinignan mo kung anong nasa rank ay paulit-ulit na lang halos ang title. Kulang na lang maggayahan.

Hindi ko sinasabing pinlagarise nila 'yon. 

Paulit-ulit lang kasi.

Nakakasawa.

Kung gusto niyong matawag kayong isang MAGALING na writer, gumawa ka ng sarili mong takbo ng storya, hindi 'yung base SA STORYA NA NAGUSTUHAN MO.

Oo, sabihin na nating na-inspire ka kasi sobra kang nagandahan sa nabasa mo.

PERO...

'Nak ng poodle, 'WAG MONG GAYAHIN!

Magbasa ka para matuto ka. 'Yung sasabihin mo sa sarili mo na...

" Ang ganda ng plot nito. Isip din kaya ako ng magandang plot? "

" Gusto kong makagawa rin ng kakaibang story. "

Tuwing napapaisip ka habang nagbabasa ng libro, 'wag kang magfocus sa dahil gusto mong maging sikat na writer.

Isipin mo,  gusto kong makasulat ng magandang story.

'WAG KSP.

KULANG SA PANSIN.

ATTENTION SEEKER.

At iba pang synonyms 'nun.

Habang tumatagal, ma-eenjoy mo rin na magsulat. Tumatatak sa'yo ang character mo, nadadala ka ng bawat scene na naisip mo, at iba pa na masasabi mo sa sarili mo na gusto mo 'yung ginagawa mo.

TANDAAN: MAGBASA PARA MATUTO, HINDI PARA MANGGAYA.

Magandang maging isang writer kapag may isa kang storyang nagustuhan ng lahat, NA PANIBAGO SA LAHAT.

Pero siguraduhin mong may napapala ang nagbabasa. Hindi puro mura, love life, etc.. Dapat 'yung may tatatak na scene tapos matututo ng magandang bagay 'yung reader. Ganun.

Masayang maging writer ng isang story na nagustuhan mo at ng lahat.

-B_A_S_H_E_R

Writing Tips #101 and How to Bash #102Where stories live. Discover now