Bash #09: Cliffhanger

299 17 5
                                    

This is important in a story, minsan kailangan natin gawing bitin ang isang chapter para mabasa ng mga readers ang susunod na chapter agad kasi gusto nilang malaman kung anong mangyayari. 'Yung tipong mapapatuloy-tuloy lang ang reader sa pagbabasa. Kung magaling ka talaga gumawa ng storya at alam mo ang tamang paglagay ng cliffhangers baka tapusin nang reader mo ang libro mo nang isang araw lang. Kung mabilis 'yun magbasa at hindi basta 700 words lang ang update mo.

Kung magaling ka magsulat

'Wag kayong mag-alala gagaling kayo dahil binabasa niyo ang magandang Writing Tips and How to Bash ko. Nako sundan niyo lang 'to baka isa pa kayong sikat na author at makilala talaga.

Hindi nga lang kagaya ko

'Wag na kayong malungkot wala kasing tatalo sa galing ko ;)

So kailangan alam ninyo ang tamang paggamit nito dahil siguro alam niyo naman na ang author ang magdedesisyon kung ano ang mararamdaman ng readers. 

Pwede mo sila patawanin 'yung tipong gugulong gulong talaga sa kakatawa o saya na kahit nasa daanan pa sila niyan na pababa.  O kaya naman 'yung tawa na talaga nang tawa hangga't sa mapunta siya sa mental, or tawa nang tawa at mawalan na nang hininga nang tuluyan. Kung sakaling mangyari nga 'yan wala na kayong kasalanan kasi bakit kasalanan mo ba na ang galing mo na dahil sinunod mo ang Writing Tips and How to Bash ng magaling at poging kagaya ko?

Pwede mo silang paiyakin 'yung pwede nang magkaroon ang baha at 'yun ang maging sanhi nang pagkamatay ng mga Pilipino pero pwede din naman sila matuwa kasi summer na ngayon kaya lublub na guys!

Pwede mo din sila mainis na pwede nilang sirain ang computer, laptop, cellphone, tablet, i phone, I pad, I pod, I don't care na and so on na ginagamit pangbasa ng wattpad. Baka mamaya nga lang may masipa, masuntok, masaksak, mabaril, etc. sila sa totoong buhay but like what I said I don't care.

Pwede mong iparamdam na ang lungkot nila kagaya nalang nang mga brokenhearted at magpapatugtog sila ng mga heartbroken songs din, mga hugot, search sa google tungkol sa brokenhearted, mapapasabi nang walang forever, maging bitter, magsosolo, magtatanong bakit pa sila nabuhay, pwedeng magpakamatay and whatever.

Malay ko ba hindi ko alam kung paano umasa kasi lagi nalang sila ang umaasa sa akin eh?

Next

Sa paggamit ng cliffhanger maaring maging engaged, thrilled, excited ang reader mo pero hindi 'to laging nangyayari kasi pwede din na sadness, fear, anger ang maramdaman ng reader.

Depende kasi 'yan kung saan mo puputulin.

Pero kung gusto niyong putulin ang libro niyo mas maganda kung may book two, three, four, a hundred kahit pa lagpas billion 'yan. 'Yung ibang readers nga lang (oh hindi ko pa din nilalahat kaya 'wag na kayong magreklamo dyan mga readers lang kayo tsk) nagagalit kung tinapos niyo ang libro with a cliffhanger. Ganon talaga pero bahala na kayo sa gusto niyo because like I said

I DON'T CARE

Bahala na din kayo kung ayaw niyong mag lagay nang cliffhanger, opinion niyo 'yun at akin 'to.

KAYA WALA AKONG KASALANAN SA MGA PWEDENG MANGYARI OH 'YAN CAPS LOCK ULIT PARA AGAIN INTENSE OKAY?

That's all for now.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
K

Writing Tips #101 and How to Bash #102Where stories live. Discover now