Writing Tip# 11: Pagkausap Ng Character Sa Reader

271 16 0
                                    

Minsan, hindi na lang author ang kinakausap ng mga character sa storya, pati na Reader. 'Yung tipong nasa gitna ng story sasabihin...

"Tama ba ako readers?" at iba pa.

STORY po ang ginaawa niyo. Kung gusto niyong kausapin ang readers, sa author's note na lang pwede pa. Pero 'yung POV ng character mo tapos biglang kakausapin ng character 'yung readers? Aba matinde! 

Kung ipa-publish 'yan bilang libro, sigurado akong isu-suggest ng editor mo na alisin 'yun part na 'yun kasi unang una sa lahat, mali na 'yon.

Kapag gumagawa kayo ng story, siguraduhin niyo muna kung story nga ba ang ginagawa mo. Hindi 'yung basta basta na lang. Hindi kasi maganda sa paningin eh. Tapos 'yung tadtad ng exclamation point at question mark? Mali rin 'yon. 'Yung tuldok nga hanggang tatlo lang eh. OA naman 'yung halos buong sentence question mark at exclamation point lang ang gamit.

Maiintindihan ko kung nakita niyo ako, pogi ako eh, siyempre. Malakas at mahaba talaga ang tili niyo pero 'yung mga dialogue na nagtatanong lang tapos over maglagay ng question mark. OA naman nun.

Pogi ako, oo, madalas magtilian ang mga babae tuwing nakikita ako pero 'wag niyong ilagay sa story niyo 'yung tili niyo sa kagwapuhan ko.

Example: (The correct one)

"KYAAAH~ OMG! Ang pogi! AAAHHH!"

"Carter, ang pogi mo!"

At nagtilian na naman ang mga babae sa kagwapuhan ni Carter. Also known as...

B_A_S_H_E_R

End of Example

Oh yeah. Pogi talaga ako at wala nang aangal.

Example: (Wrong one)

"OMG!!! OMG GURL!! HE'S SO POGI!!!!!!!!"

"KYYYAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!! AKIN KA NA LANG!!!!"

"SOBRANG POGI MO CARTER!!!! KYAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!!!!!!"

At nagsimula na namang matilian ang mga kababaihan sa kagwapuhan ni Carter!! hahahahahhahahaha!!

End of Example

Kitang kita naman ang pagkakaiba 'di ba? Kung hindi mo napansin, edi bulag ka. Pero para sa mga hindi nakapansin, hanggang tatlo lang lahat nung sa example na tama. Sa example na mali, OA sa dami.

Kuha mo na?

Kung hindi edi bahala ka na sa buhay mo.

Payo lang sa mga gustong maging writer, iwas na lang sa sandamakmak na question mark at exclamation point. Tsaka, 'wag niyong kausapin ang readers niyo gamit ang point of view ng character mo. Sa una o dulong author's note mo na 'yon gawin. 'Wag kayong masingit sa kalagitnaan ng story mo para magshare ng tanong at pagkausap mo sa readers.

Okay, hanggang sa muli...

Ang poging writer,

-B_A_S_H_E_R

Writing Tips #101 and How to Bash #102Where stories live. Discover now