Writing Tips #20: The Ending

144 12 15
                                    

The Ending...

Oo, ending talaga. Kasi pagkatapos ng Bash #20, magtatapos na ang writing tips na ito. Sakto, buti na lang hindi ko pa talaga nailagay ang writing tip na to, BWAHAHA!

Oh diba? May feels na nalaman niyo na ang nagpapatawa sa inyo lagi kahit ang tagal tagal mag-update ay matatapos na.

Readers: Aww...

Wag kayong mag-alala, pogi pa rin naman ako pagkatapos nito eh ;)

Ang pogi ko talaga ;)

Mabalik tayo.

Ending.

Sa ending, kala mo halos walang kwenta na kasi matatapos na eh. Pero siyempre, kailangan pa rin nating pagandahin ang ending.

Naman!

Malay mo ending lang pala pinaka-maganda mong chapter. Hindi mo pa ba aayusin?

Joke laaaang~

Kidding aside, kailangan mo pa ring pagandahin ang ending dahil yan ang part na pinaka-tatatak sa utak ng readers dahil nga nagwakas na ang kwento.

Kung pwede, paiyakin niyo yung readers sa sakit o sa tuwa.

Basta ang mahalaga, memorable ang huling parte ng kwento.

Kasi wala na. Wala nang kasunod. Tapos na.

Kaya hanggat kaya niyo naman, pagandahin niyo ang ending.

Sample?

Oh? Namiss niyo ba ang samples na binibigay ko? Ako rin, wag kayong mag-alala. Masyado kasi akong tinatamad gumawa ng example kaya laging wala eh.

Pero ito na...

Ito na nga...

Example - Wrong (×)

...

Sobrang saya ko talaga ngayon. Kasama ko siya, feeling ko sobrang pretty ko talaga ngayon.

Author: Take note, lalaki ang bida

Ang ganda ganda talaga niya. Pero mas pretty ako, BWAHAHA!

" Jacob? " narinig kong tawag ni Angel sakin.

"Bakit, cutie honey pretty pie? " sagot ko.

" I love you, " bigla niyang sabi.

" Mahal ko rin ang sarili ko, " sagot ko at saka siya ninakawan ng halik.

Galing ko talaga ;)

End of Example - Wrong (×)

Sa totoo lang, medyo pwede pa ang example na yan, alisin lang yung 'pretty part'. Pero mas pwede itong susunod.

Example - Check (√)

...

Sorbrang saya ko talaga ngayon. Habang magkasama kaming nagkatayo rito sa rooftop ng school, sa totoo lang, kahit yun lang, ang saya ko na. Pakiramdam ko kumpleto ako. Lumingon ako kay Angel at pinagmasdan ang maganda niyang mukha. Parang dati lang hindi ko tinitignan ang mukha niya pero ngayon, kitang kita ko. Kahit hindi ko siya kasama, kapag mag-isa ako, naiiisip ko siya.

" Jacob? " tawag niya sakin.

" Bakit? " sagot ko at lumingon sa kaniya.

" I love you, " bigla niyang sabi.

" Mahal ko rin ang sarili ko, " panloloko ko sa kaniya. Hinampas niya ako kaya pareho na lang kaming napatawa.

" Joke lang, " sabi ko at nginitian siya. " I love you too, " sabi ko at tsaka siya ninakawan ng halik.

End of Example - Check (√)

Mas okay yan.

Oo nga pala, pangromance, teen fiction, short story or humor lang ang example na yan. Ewan ko na para sa ibang genre pero siguro naman kakayanin niyo na yun dahil alam kong may natutunan kayo rito na makabagbag damdamin kong Writing Tips.

At habang nagsusulat kayo ng story niyo, alam kong matututunan niyo rin ang mga bagay nato. Baka nga higitan niyo pa ako eh.

Ah, hindi, Binabawi ko yung part na hihigitan niyo ako.

Pero ang pinaka-hindi niyo mahihigitan ay ang...

*drum rolls*

Kapogian ko.

Pogi kasi talaga ako.

BWAHAHA! 

Ito na...

Tapos na rin ang update kong to. Pero wag kayong mag-alala, may kasunod pa.

Pero last na yon.

BWAHAHA! Magpapaalam na ako...

POGI KO TALAGA.

-B_A_S_H_E_R

Writing Tips #101 and How to Bash #102Where stories live. Discover now