IGY♡ Chapter Four

910 78 53
                                    

Sam on the side. ---> 

 

ENJOY! :)

-----------------------x

Carlo's POV

Pagkatapos ng Chemistry class ko ay agad akong nakipag kita kay Xander sa covered court. May try out pala ngayon, but I'm sure I'm not on it.

Pinakilala ako ni Xander sa bagong recruit na si Tristan. Well, nakita ko naman yung try-out niya at magaling siya sa rebound at three point shots, mapapakinabangan 'to siya for sure.

After ng try out pumunta na kaming lahat sa canteen para kumain at para narin sa amin ni Tristan who are bago nga sa basketball varsity. Pag-dating namin sa canteen ay nandun na si Sam nakaupo sa table ng varsity team.

Sinamahan ko si Xander bumili ng pagkain para sa amin, at may hahabol pang dalawa; friends daw ni Tristan. Kaya medyo marami-rami din ang bibilhin namin.

Wala naman talaga akong balak sumali sa varsity, yun nga lang may malaking utang ako kay Xander kaya wala akong choice. Yun ang utos sakin eh, well magaling naman din kasi ako sa basketball kaya siguro kinuha niya ako.

Mag kakilala na kami ni Xander at ang kapatid niyang si Sam pati rin mga family namin, we attended the same elementary and high school, so we are sort of very close friends.

Nang maka-order na kami, si Xander na ang bumitbit ng isang tray na full of snacks at nauna na ring pumunta sa table namin habang inaayos ko pa tong drinks. Palakad na ako sa table namin ng makita ko sina Carla at Mitch na sa tingin ko nahulog na naman sa bitag ni Xander.

Anong ginagawa ni Carla dito?

Woah, close pala sila ni Tristan, at nakikipagharutan pa siya dito. Teka, boyfriend ba niya si Tristan?

There's only one way to find out.

Bago pa man mapunta kung saan ang harutan nila, pabagsak kong nilapag ang tray na puno ng canned drinks sa harap nila.

"Ay kabayo ka!" napasigaw si Carla.

Ako ba yung kabayo?Sa gwapo kong 'to, kabayo lang?!

Mukhang nagulat ko talaga sila, parang may heart to heart talk sila at na interupt lang ng dahil sakin, buti naman at right timing ako. Pero hindi naman niya ko tiningnan at binalik ang tuon kay Tristan.

"Ahh, ano na nga yung sasabihin mo?" tanong ni Carla kay Tristan, tiningnan ko naman si Tristan para marining ko kung anong sasabihin niya. Pero parang nailang siya, kasi alam niyang nakatingin ako pero actually kaming lahat na.

"Ahh wala yun Carla. Next time nalang." yun nalang na sabi ni Tristan sabay kuha ng pakain niya.

Tiningnan naman agad ako ni Carla ng masama, grabe yung tingin niya nakakamatay. Pero for me to act cool, binigyan ko siya ng matamis na matamis kong signature smirk.

"Bwisit!" galit na sigaw niya. Woah, ganun talaga siya ka galit, napatingin lahat ng students sa canteen sa sigaw niya.

"May naistorbo ba ako?" tanong ko habang nagpipigil ng tawa, napansin siguro niyang maxadong  malakas ang pag sigaw niya at hindi na niya ako sinagot pa at halatang na ilang si Tristan sa tanong ko.

I Got YouWhere stories live. Discover now