IGY♡ Chapter Fourteen

316 35 22
                                    

Yay! Nakapag update ako!

Rebecca on the side --->

*not edited*

----------------------------------x

Carla's POV

Nagpasiya muna kami ni Mitch na dumaan sa coffee shop pagkatapos naming masaksihan ang eksana kanina sa hallway with Carlo at si babaeng hindi ko alam kung saang parte ng pilipinas nanggaling.

Nung una pinigilan kami ni Carlo at nakiusap na huwag siyang iwan, pero ano pa bang magagawa namin e sobra pa sa linta kung makakapit yung babae sa kanya. Pinagdilatan pa nga ako e, akala niya siguro interesado ako sa lalaki niya. Ayun umalis kami ni Mitch habang nakita naming kinakaladkad si Carlo ng babae palabas rin ng school.

"Sino kaya yung haliparot na yun?" tanong ni Mitch habang umiinom ng mocha frappe niya.

"Ewan," Nagkibit balikat lang ako.

Hindi ko rin maiwasang mapa-isip kung sino ba yung babae. Ang sigurado ko lang ay kilala siya ni Carlo. Siguro isa sa mga babae niya, mukhang marami namang chicks si Carlo. Sa hitsura pa naman nun.

Naputol yung pag-iisip ko nang biglang may babaeng lumapit sa table naming at binati kami.

"Hey, girls!"

Biglang napalingon kaming dalawa ni Mitch tumawag sa amin.

"Hey, Sam!" bati ni Mitch. As usual ang ganda pa rin ni Sam dala-dala niya yung inorder niyang frappe. Himala at hindi siya ngayon nakabuntot kay Tristan.

Walang kalatoy-latoy umupo siya sa tabi ko at inayos yung bag niya. "Makikisali na ako dito sa inyo ha," Nakangiting sabi ni Sam.

"Sure sure! No problem!" Tugon ko naman sa kanya.

Mitch cleared her throat at nilapit niya ng bahagya yung mukha niya kay Sam. "May babae kanina sa school, at hinalikan si Carlo sa lips!" Nagsimula na ang bunganga ni Mitch. Medyo nagulat din si Sam sa sinabi ni Mitch. "Yeah, yung babae parang kilala ni Carlo kasi nasambit niya kanina yung pangalan," Napa-isip si Mitch kasi maririnig mo yun "hmmm" niya. "Ano nga yung name ng babae?" Tumingin si Mitch sa akin at pati na rin si Sam, hinihintay yung sagot ko.

"Rebecca yung dinig ko," Agad kung sagot.

Muntik nang mabilaukan si Sam sa iniinom niyang frappe. "Sino?!" Nanlaki yung mga mata ni Sam na para bang may nakitang multo.

"Rebecca." inulit ko. "Kilala mo ba?" Tanong ko kay Sam.

Binitawan niya yung frappe niya. "Hell yeah! Bumalik na pala yung baliw," Sabi ni Sam. Kilala rin pala ni Sam yung babae.

Baliw? Sino ba yun?

"Sino ba yung Rebecca? Girlfriend ba yun ni Carlo? Sabi niya wala pa siyang girlfriend ah," Biglang tanong ni Mitch, gusto ko rin malaman kung sino ba talaga yun.

"Girlfriend? Ha! Asa pa siya," Tumawa nang bahagya si Sam. "Classmate din namin si Rebecca from nursery to high-school. Patay na patay yun kay Carlo, mula pa nung mga bata pa kami. Pero wala namang gusto si Carlo sa kanya. Makulit lang talaga si Rebecca kaya minsan sinasakyan nalang namin yung kabaliwan niya," Paliwanag ni Sam.

"Eh? Pero naging kayo diba ni Carlo?" Tanong ko naman.

"Oo. Alam naman din niyang walang gusto sa kanya si Carlo, at saka pa hindi ako takot kay Rebecca noh. Lumipat sila sa Cebu kasi andun na naka basae yung main company ng daddy niya, kaya doon na niya tinapos ang high school," Paliwanag niya.

I Got YouWhere stories live. Discover now