IGY♡ Chapter Fifteen

329 34 8
                                    

Katamaran is the worst. But hey twice na akong nakapag-update this month. So yeah! This chapter was hard to write, I don't know why, but I hope you like it anyway! :)

Another baliw na Rebecca on the side. --->

-----------------------------x

Rebecca's POV

Carla?

Yan na ba ang Carla na sinasabing nililigawan niya? Ha! Hindi naman siya maganda at sexy ang layo ng ganda at katawan ko diyan. Para siyang epic fail na pinagsamang KC Concepcion at Bea Alonzo. Mataba pa nga siya eh.

Tsk! Nagawa pa nilang magsabay pumasok ng classroom. I bet hinintay niya 'tong si Carla kaya bigla nalang nawala si Carlo sa paningin ko kanina.

Hindi na ako makakapayag na may babae na namang gugulo sa mga plano ko. Tapos na si Samantha at hindi na ako papayag na ipagtabuyan naman ako ulit ni Carlo. Dalawang taon akong nagtiis sa malayo habang masaya sila ni Sam at ngayong wala na sila it's my time to shine; my time for me and my Carlo. Walang Carla o sino pang babae ang makakasira sa lahat.

Be aware Carla because your worst nightmare will start right at this moment. Makikilala mo na si Rebecca, ang nag-iisang babae sa buhay ni Carlo.

Carla's POV

Bago pa man ako makapasok sa classroom ay sinalubong na ako ng masamang tingin ni Rebecca, paulit-ulit niya akong tinitingnan ng pa-head to foot. Nagliliyab yung aura niya, siguro sa isip niya tinatadtad na niya ako ng saksak. Patingin-tingin din siya kay Carlo na kasabay kong pumasok ng room.

Umiwas nalang ako ng tingin kay Rebecca at agad na tinabihan si Mitch na mukhang busy sa cellphone niya.

I poked her. "Hoy! Busy ka sa cellphone mo ah?"

Medyo nagulat lang siya sa sabi ko. "Hindi naman." tipid niyang sagot. Pumipindot pa rin siya sa touchscreen phone niya habang pangiti-ngiti pa.

"Sino ba yan?"Tanong ko habang pangit-ngiti siya sa phone niya. "Sige landi pa more, pangiti-ngiti ka pa dyan." kumento ko. Pero inirapan lang niya ako at patuloy pa rin yung paglalandi niya sa cellphone.

Napabuntong-hininga nalang ako. "Perks of being single." mahinang sambit ko.

Tama. Gagawin ko na yung regalo ko para kay Tristan mamaya after class. Alam naman din niya kung anong ibibigay ko kasi every birthday niya yun ang binibigay ko.

At maya-maya pa ay dumating na ang clinical instructor namin hudyat na magsisimula na ang klase. Good luck to me.

Lunch break na and I'm with Mitch as usual. Kumakain na siya habang iniisip ko yung regalo ko kay Tristan. Since it is a customize gift every year, kelangan ko ng color pens and a colored paper.

Nawala yung pag-i-imagine ko nang biglang hinablot ni Mitch yung pagkain ko. "Ayaw mong kumain e, ako ang kakain." Wika niya.

"May iniisip lang saglit e." Hinablot ko ulit yung tray ko na may lamang pagkain sa kanya at sinimulan nang kainin yung lunch ko.

"Ano ba kasi iniisip mo?" tanong niya. "No. Let me rephrase that. Sino pala iniisip mo?" kulit niyang tanong.

Napakunot noo nalang ako. "Wala."

"Baliw. Sabi may iniisip lang tapos ngayon wala. Tsk." Napailing-iling siya. "Siya nga pala, sasali ka pa ba sa mga clubs?" Tinatamad na akong sumali pa sa mga clubs. Hirap na nga akong asikasuhin 'tong subjects ko e.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Got YouWhere stories live. Discover now