IGY♡ Chapter Eight

615 72 55
                                    

Hey!

I hadn't updated in two weeks, so I had to upload something or else I would feel terrible.

Also, I wanted to thank all my readers who actually took time to look at my crappy work and vote and comment or just read it.

I love you all seriously I do. #keso XD

Play this song by Sarah McLaughlin - In the Arms of an Angel  while reading the last part of this chapter. #emote 

 

ENJOY!

------------------------------------x

Carla's POV

The 'happy me' finally ended, as all good things must eventually do. Ganon talaga siguro, madaling mapalitan ang saya na naramdaman mo sa isang iglap lang.

Here I am, standing infront of my emotionless father. Actually hindi ko alam kung may emosyon pa ba siyang napakita sakin, last time I checked hindi ko na na-feel ang pagmamahal ng isang ama. At sigurado akong may kinalaman ito sa nangyare five years ago.

"Pa," Mahinang sambit ko na parang bulong nalang. Hindi niya ako sinagot at lumakad siya  patungo sa living room at umupo sa sofa.

I took a deep breath because I know isa na naman itong seryosong pag-uusap. Wala na akong nagawa kundi nag tungo na rin sa living room namin at umupo sa sofa kaharap niya.

Hindi ko magawang tumingin ng diretso kay papa, dahil alam kong nakatingin siya sa akin. Galit ba talaga siya dahil sa hindi ko pag sipot sa business meeting nila ni Mr. Rivera? Ugh, ayoko makita ang anak nun.

He cleared his throat, hudyat na may sasabihin na siya."Saan ka nanggaling?" As I expected, yan na naman tanong niya.

Tiningnan ko si papa bago sabihing, "Nanuod po kami ng sine ni Tristan pa," Simpleng sagot ko.

"Bago yun," Agad-agad na sabat ni papa.

"Huh?" Napaisip ako bigla, pero naputol din dahil sumabat agad si papa.

"Hindi ka sumama sa akin kanina dahil ayaw mong makita si Ken pero sumama ka sa isang lalaki?!" Now he's shouting sabay hagis ng pictures sa table. "My God Carla, first day of school pa lang, yan na ang ginagawa mo!" Taranta kong kinuha ang mga pictures sa table at isa-isa ko silang tiningnan. Bakit ganito ang pictures namin ni Carlo, ang sweet naming tingnan. Parang ang harot kong tingnan dito sa pictures. This is not happening!

"It's not what you think pa," I paused sabay tingin sa pictures. "He's just my classmate," Dagdag ko.

"Just my classmate? In first day of school sumama kana sa lalaki na hindi mo kilala?!" Mataas parin ang tono ng boses ni papa. "Ayaw mong samahan si Ken na kilala mo na pero sumama ka sa isang lalaki na ngayon mo lang nakita?! Anong klaseng pag-iisip yan Carla!" Ang OA naman magalit 'tong papa ko.

At kelan pa niya ako sinimulang pasundan?

"Manyak yun si Ken," Yun nalang nasabi ko. Seriously ayaw ko ng makinig sa mga pinagsasabi ni papa. This is just so nonsense.

"Manyak? Eh ano sa tingin mo yan lalakeng yan. Carla, hindi mo siya kilala," At kelan pa siya naging worried sa akin? Ang alam ko lang wala na siyang ginawa kundi punahin ang mga bagay na ginagawa ko. Ni minsan hindi ko siya nakitang naging masaya sa maliliit kong achievements.

I Got YouWhere stories live. Discover now