IGY♡ Chapter Nine

474 43 30
                                    

This isn't a dream. hahaha I have finally updated after uhmmmm ages? :) I am really sorry though, I had a really rough start. Emotionally drained, that's all. But I'm okay!

So.... don't be upsettie, eat a spaghetti. XD

ENJOY!

---------------------------------------------------------------x

 Carla's POV

Maganda ang gising ko ngayong umaga at ang gaan gaan ng pakiramdam ko na parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. I know, sa panaginip ko lang lahat binuhos  yung matagal ko nang tinatagong sakit sa pagkawala ni kuya Marco pero mararamdaman mo parin na kahit papano naipalabas mo lahat.

Naging mahimbing na rin yung tulog ko after. Ang weird lang kasi hindi ko na ulet napaginipan si kuya Marco.

Let's move forward Carla.

Abala ako sa pagbibihis nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Carla, baba na. Breakfast is ready," sambit ni mama sa saradong pinto ng kwarto ko.

She's doing a great job of being a mother by the way. Super supportive siya lalo na sa mga kapatid kong makukulit hindi tulad ni papa lagi nalang akong bad shot. Sobrang alaga niya kami, pero si mama sinusunod pa rin ang utos ni papa. Kasi nga siguro nasa kay papa ang last say sa mga desisyon dito sa bahay lalo na sa family.

"Bababa na po ako ma!" sigaw ko, at mindali ko na ang pag bibihis at wala pang limang minuto natapos na ako and ready na to eat my bacon and hotdogs.

Alam ni mama na yan ang favorite breakfast ko kaya pag kakatok siya sa kwarto ko, yun ang sign na bacon and hotdogs ang breakfast.

Hindi pa man ako nakalabas ng kwarto ko biglang sumabog na naman ang bunganga ni Carly Rae Jepsen, kaya sagot ko agad ang phone kahit na ayaw ko kong sino yung tumatawag.

Carlito's Calling

"O bakit?" anong klaseng "hello" ang sinabi ko.

"Andito na ako. Labas na!" sagot naman ni Carlo.

"Anong labas?" tanong ko habang pababa na papuntang dining area para mag breakfast

"Dito sa labas ng bahay niyo!" medyo napataas ang boses niya.

Tiningnan ko naman bigla yung relo ko para i-check yung oras, fifteen minutes to seven pa naman ah. Masyado siyang atat mag-aral.

"Akala ko ba seven am? Kakain pa lang ako ng breakfast," protesta ko.

"Labas ka na! Mag se-seven na rin at saka 'wag ka ng mag breakfast, marami ka pa namang reserba dyan sa katawan mo," rinig na rinig ko na tumawa siya kahit mahina pa yun. Nakuha pa niya akong asarin, masyado pang maaga para masira ang mood ko.

"So, you're saying that I'm fat?" taas kilay kong pag-sabi habang papunta na ng dining area.

"I didn't said that," agad niyang tugon. "Ang akin lang naman eh, ayoko mag-antay dito sa'yo. I'm way too cool to wait for a girl," paliwananag ng isang mahangin na si Carlo.

"Whatever, mag-antay ka!" pinatay ko na muna ang phone kasi nasa dining area na ako na present na pala lahat. Mga kapatid ko, si mama at papa.

I Got YouDove le storie prendono vita. Scoprilo ora