IGY♡ Chapter Five

788 69 42
                                    

HELLO MGA MAHAL KONG READERS. :)

Xander on the side. --->

ENJOY! :)

----------------------------------x

Carla's POV

Na-dismiss agad yung klase namin sa Chemistry lab, kasi si Ms. Belle parin yung instructor namin. She just informed the class kung ano yung gagawin namin sa next meeting.

And guess what?

Blood typing.

Oo blood typing nga, kami mismo ang tutusok sa finger namin to identify what our blood type. Sounds okay, but not for me. Hindi naman sa natatakot ako sa dugo, natatakot lang ako baka magkamali yung pag prik ko sa daliri ng partner ko. Ang worst pa eh yung partner ko ang magkamali sakin.

Yes, by partner siya at si Mitch yung partner ko. Do I have a choice?

May last subject pa ako this morning at yun ay Filipino 1. As usual ang scenario sa first day, introduce each other, the lesson plan, the room rules, etc., kaya boring siya. So far sa mga subjects ko ay magkaklase kami ni Carlo, kaya magkikita talaga kami neto araw-araw.

Lunch break na.

Sa totoo lang half day lang ako every Monday, Wednesday, Friday; Tuesday and Thursday naman full load ako. Kaya gusto ko talaga yung MWF schedule ko, hindi maxado heavy mga subjects.

"San tayo ngayon Carla?" tanong ni Mitch habang palabas na ng classroom.

Ilang oras din ako nag-isip kung paano ako makakalusot sa mga bodyguards ni Papa, na alam kong nasa campus na.

Nakita ko sila kanina after ng break namin sa canteen, umaaligid ligid sa may hallway entrance ng school. Baka nga alam na nila yung schedule ko.

"Hoy bruha!" bulyaw ni Mitch, napatingin naman ako bigla sa kanya habang naglalakad kami sa corridor.

"Oh bakit?" tanong ko nalang kay Mitch.

"Seriously Carla ano bang pinag iisip mo. Always ka ng nawawala sa earth," seryosong sabi ni Mitch.

Hindi ko nga rin ma-explain kong ano bang pinag-iisip ko e, "Iniisip ko kasi kung nagkabalikan na ba sina Selana Gomez at Justin Bieber," pabiro kong sagot kay Mitch.

"Baliw," napatawa nalang si Mitch, "Anyway, since half day lang naman tayo ngayon...gala tayo, shopping ba," yaya ni Mitch na mukhang excited na excited.

Pero wala ako sa mood sa gumala ngayon. May krisis pa akong kelangang harapin at hindi pwedeng hindi ko maiisihan 'tong mga 'men in black' ni papa.

"Hindi ako pwede ngayon Mitch. Tumawag si 'father almighty', may pupuntahan daw kami. Alam mo naman yun," paliwanag ko, na totoo naman na hindi. At mukhang naniwala naman siya, when it comes to my papa kasi alam niyang mas priority ko sila.

"Sus! masunurin ka parin pala eh, oh siya mauuna na ako. Since hindi naman tayo gagala, go nalang ako sa date namin ni Xander," ngiting sabi ni Mitch sabay kaway-kaway.

"What?!" napasigaw ako bigla with my eyes wide open.

I Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon