chapter 23

163K 1.3K 202
                                    

Justin's POV

Andito na kami sa bahay ng lola't lolo ni Zenia. Ang dami din palang magagandang chicks na pinsan tong si Zenia eh. Putek, yung lola niya maton eh! 

"Iho, ang lakas naman ng loob mong sumama?" tanong ng lola niya sakin.

"Ah, masama po bang sumama?" tanong ko din sa lola niya. Alam kong medyo pilosopo yung dating pero di naman ako sinisita nitong lola ni Zenia eh! Mukhang ok ngalang sakanya pero siyempre kailangan ko din gumalang para maka-good shot. >:)

"Wala akong sinabi iho. Bakit naman naisipan mong gawing girlfriend iyong apo ko? lolokohin mo no?" tanong uli ng lola ni Zenia sa akin. Lahat ng mga pinsan ni Zenia nasa garden kasama sila ng mommy niya. Kami lang ni lola dito sa sala. Hanep eno! Nakiki-lola nadin ako.

"Sa ngayon wala pa naman po kong balak gawin yon sa apo niyo." sagot ko sa lola ni Zenia. Masyado atang brutal yung sagot ko! >_<

"Ganoon ba? Buti at di nagbago tingin mo kay Zenia ng malaman mong may sakit sa puso ang apo ko? Di mo ba balak iwan?" tanong uli ng lola ni Zenia. Jusko! Ayus! interview ata to eh!

"Bakit? nakakahawa po ba yung sakit nayun?" Balik na tanong ko sa lola niya. Pucha, nagbabalikan lang kami ng tanong eh!

"Ilang taon kana?" tanong ULIT sakin ni lola.

"18 po. Ikaw po ba?" Sagot ko.

"67. Anong balak mo sa buhay mo iho?" tanog uli niya. Ano nga bang balak ko sa buhay ko?

"Di ko po alam eh. Wala pa po kong maisip na balak sa buhay ko eh?"

"Ganoon ba iho? Bakit di ka nalang magpakamatay iho? Ang batang walang pangarap ay walang pupuntahan sa future."

"Sige po. Try ko po minsan yan! Amm, ano po bang tatawag ko sainyo?" Tumawa yung lola ni Zenia nung sinabi kong itatry ko. Putek, nahihiya na ako sa mga sinasagot ko eh!

"Lalola nalang. Yan ang tawag sakin ng mga apo ko." sagot ni Lalola. Bakit kaya lalola? Eh grandma naman tawag sakanya ni Zenia? ang gulo naman ng maglola nato!

"Ah sige po Lalola. Wala na po ba kayong itatanong?"

"Wala na Justin. Bakit? Gusto mo pa ba ng ibang tanong?" tanong sakin ni Lalola.

"Pwede din po kung sinisipag kayong kausapin ako." sagot ko.

"Hindi na. Kakausapin ko na ang unang apo ko na minsan lang magpunta dito." sagot niya tapos tumayo. Tumayo nadin ako at sumunod sakanya papuntang garden.

/

\

/

\

/

Zenia's POV

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Where stories live. Discover now