Chapter 28 (The day before Zen's birthday)

156K 1.2K 134
                                    

Zenia's POV

Hays! Bukas na yung birthday ko and I'm so excited and nervous and.. and.. SAD. 

Si Ross kasi kanina pa umiiyak dito sa kwarto ko eh.

"Ross kanina ka pa iyak ng iyak! Ano bang problema? Eh kung sabihin mo kaya?!" sabi ko sakanya. Kanina pa siya iyak ng iyak! Ngayon lang ulit kami nagkita ni Ross matapos yung inuman kila Flip and Kriston eh. Di kasi lumalabas ng bahay to and panay ang absent. Kung hindi ko pa tinadtad ng text, hindi pa pupunta dito.

"Zenia. Bestfriend kita diba? Matatanggap mo naman ako diba?" tanong niya sakin. Ano ba namang tanong yan?! Syempre kahit ano pa siya tanggap ko siya. Bakit ba?! Anong problema!?

"Oo naman no! ano ba yun Ross? Pinapakaba mo naman ako eh." sagot ko sakanya. Ano kayang meron? Bakit bigla siyang nagloloko lately?!

"Zen, naalala mo yung naginuman tayo kila Flip?" tanong niya sakin. Bakit?!

"Oh bakit?"

"Nung hinatid ko kasi si Kriston sa kwarto niya.." HAYS! Nakakabitin magkwento to si Ross eh!

"Ano?! Tuloy mo na!!" sigaw ko sakanya.

"May nanyari samin!" sigaw niya then tumulo nanaman yung mga luha niya. Kaya pala walang sumasagot noon nung kumakatok ako dahil may kababalaghan ng nanyayari?!

"Jesus Christ Ross! Ano? bakit? pano?!"

"Zeniaaa! *sniff* we were both drunk that time! I didn't know!"

"Panong.."

"Ewan ko? Masyadong aggressive si Kriston nung time na yun and nung mga time na yun, ang alam ko lang is mahal ko si Kriston at kaming dalawa lang ang tao sa mundo ng mga oras na yun!" explain sa akin ni Ross. Anong gagawin ko?! kung papagalitan ko siya, baka naman isipin niyang hindi ko siya dinadamayan.

Kaya pala ang tahimik ni Kriston this past few weeks? Hays! Kriston! Napaka mo!

"Ano bang magagawa natin? Nanyari na eh? You're young and you're inlove. Lesson learned nadin siguro Ross ha? Masyado ka pang bata para maging ina. Mag-ingat-ingat nalang okay?" pagcomfort ko sakanya.

"Zenia. Sorry! I didn't expect! Sorry." 

"Ano ba pinoproblema mo? Ginawa niyo yun dahil mahal mo siya at saka, nasa right age ka nadin naman eh? Alam mo na ang tama sa hindi." sabi ko sakanya habang pinapat yung likod niya.

"Ang masama nun, di ako tinetext ni Kriston eh? Di ako pumapasok dahil hindi ko siya kaya harapin matapos yung nanyari. Tulog pa siya nung umuwi ako. Zenia, hindi nagpaparamdam sakin si Kriston. Para kong laruang iniwan nalang basta sa ere eh!" explain sakin ni Ross habang umiiyak.

"Hindi ka manlang niya kinausap Ross? grabe!" sigaw ko. Grabe naman pala tong si Kriston! Ganon din ba si Justin?! Pag nakuha na niya ko, iiwan niya nalang ako?! Pero nung hinatid ko naman siya nung lasing siya sabi niya wala siya balak na gawing masama eh? Hays!

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora