Epilogue

53.9K 1K 547
                                    

A Gift

There are certain thnigs in life we cannot change. 

And I think the most difficult thing to face in life is to have no choice but to accept the fact that there are things that we cannot control... that we cannot change.

Mahal na mahal ko si Justin. Ito na siguro yung pinakamabigat na desisyon sa buhay ko. Yung tanggapin na wala na siya.

May mga bagay talaga na hindi natin inaasahang darating sa buhay natin. At yung hindi inaasahan na iyon, yun yung makakapag-pabago sa buhay natin. Hindi man sa buhay natin, pwedeng sa pagkatao natin o sa pananaw natin.

Senior year ng highschool. Yun yung pinaka-masasayang araw ng buhay ko.

Dahil noong mga panahon na yon, dun dumating si Justin sa buhay ko.

Malungkot man dahil wala siya sa tabi ko ngayon, palagi naman siyang nasa puso ko.

Hindi din darating sa buhay ko si Alexander kung hindi dahil kay Justin.

Naalala ko padin yung mga sinabi ni Justin sakin noong nasa Japan kami.

(Flashback)

"Kapag sinabi ko ba sayo na ayoko na sayo at di na kita mahal, maniniwala ka?" Tanong sa akin ni Justin habang namimili ng mga pasalubong.

"Oo, kasi sayo nanggaling eh?"

"Lagi ko naman sinasabi sayo diba? Walang makakapigil sa gusto kong gawin. Kahit pigilan pa ako ng buong mundo na mahalin ka, hindi ko gagawin. Kahit ilayo ka pa nila sakin, lagi akong nasa likod mo." Explain niya sa akin. Seryoso yung pagkakasabi niya.

"Mahal mo ko?" tanong ko sakanya. Alam ko naman na mahal niya ako pero iba parin talaga na pinapaalala niya sakin na mahal niya ako araw-araw eh.

"Sobra. Wag mo ko iiwan ha?" Tanong niya sa akin.

"IKAW ang wag mangiiwan. Promise mo sakin na di mo ako iiwan!" Sigaw ko sakanya. Alam kong maraming nakakarinig pero hindi naman nila naiintindihan sinasabi ko ehl

Tinaas niya yung right hand niya. "promise." Sabay nag pinky-promise kami.

Para parin talaga kaming mga bata.

"End of flashback"

Hanggang sa bago siya mamatay, sinabi niya padin sa akin na mahal niya ako.

Mahal na mahal ko si Justin. Mahal na mahal na mahal!

"Mommy! Bili tayo icecream!" Nasa mall kami ngayon ni Alexander. Hinahatak niya ako sa isang icecream parlor. Napapadalas nadin yung paglabas namin ni Alexander.

"Ikaw talaga baby! Kanina ka pa kain ng kain! Mamaya sumakit na tiyan mo niyan!"

"No mommy! I have a big tummy po. Promise."

Ang gwapo gwapo talaga ng anak ko. He reminds me of his dad. Justin.

Ang dami nagsasabi na mag-move on na daw ako at maghanap na ng bagong daddy ni Alexander. But they don't understand.

Mahal ko si Justin at hindi na magbabago yun.

Hindi ko din alam kung bakit ayoko mag move on. Hindi ko alam kung bakit parang may hinihintay padin ako. Though, alam kong patay na si Justin. 

After naming bumili ng icecream, naglakad-lakad pa kami sa mall. Bumili kami ng sapatos ni Alexander. Syempre binilhan ko din si Justin para tatlo kami. Manang mana talaga tong si Alex kay Justin. Malaki ang paa!

"Miss, excuse me." Paalam  nung lalaking may inaabot na sapatos.

Sandali..

Malabo na ba talaga mga mata ko?

Nagi-ilusyon na naman ba ako?

"Justin?!"

"Yes? How did you know my name?" tanong niya sa akin.

Hindi ba ako nagkakamali?! Si Justin ba talaga ito?

"Justin!" Niyakap ko siya. Hindi ko mapigilang umiyak.

"Sorry, miss? Kilala ba kita?" Dahan-dahan niya akong tinulak.

*The END*

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Where stories live. Discover now