Turn 7: Banshee vs Sigma

2.4K 27 3
                                    

A/N

masipag lang pong magUD habang wala pang work. read, vote and comment naman po. thanks sana maenjoy niyo po ito

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ivory’s POV

Tumatakbo na kami ngayon papuntang tennis court, bigla kasing nagtext sa amin ang mga members naming nagttraining ngayon na bigla daw sila sinugod ng isang grupo ng gangsters.

'Ano nga ulit pangalan ng walang hiyang gang na yan?', tanong ni Angeli, pag wala ang dalawa, ang magasawang Sai at Angel, si Angeli ang tumatayong pinaka leader namin.

'Sigma daw, ngayon ko lang narinig ang gang na yan eh', sabi ko.

'Tignan natin kung tatagal ang mga yan sa atin', sabi niya.

Naiwan na muna pala si Cynthia sa may gate para salubungin ang dalawa. Tumatakbo na kami ng mabilis baka mamaya mapano ang mga kagrupo namin.

'Hoy! Ano sa tingin niyong ginagawa niyo sa mga members namin?', matigas na sigaw ni Angeli ng makarating na kami sa tennis court.

'Oh, your sempais are here', sabi nung leader nila habang hawak sa kwelyo at akmang susuntukin ang member naming lalaki.

'Hoy!', sigaw ng mga lalaking mga kasama namin kasi hindi pa tumitigil sa pambubugbog ang mga members namin.

'Oh andito na pala sila', sabi nung isa.

Sa pagkabilang ko mga 20 ata sila, tinignan ko ang mga kagrupo namin then sinenyasan silang magsialis na, tumakbo na sila at binitbit ang mga nabugbog na members namin. Nang makasigurado na kaming wala na ang mga members namin ay sabay sabay namin silang linapitan.

'So your Sigma?', tanong niya.

'Why? What will you do to us b*tch?', sabi nung leader nila, wrong move dude.

Wala pang sabi sabi bigla nang nagumpisa ang bugbugan, ang pinaka ayaw kasi ni Angeli ang tinatawag na b*tch, kaya hindi na siya nakapagtimpi ayun sinugod na niya ang mga kaaway namin.

Magaling ang leader nila dahil naiiwasan niya si Angeli, kaya nabugbog niya ay mga underling nung leader nila, konti na lang sila nang may naramdaman kaming dumating.

'What’s the meaning of this?', matigas na tanong ni Sai.

Lahat napatigil nang magsalita na si Sai, everytime na ganun magsalita tong pinsan ko lahat tumitigil sa mga ginagawa nila.

'Tsk. Another weakling has just arrived', sabi nung leader nila, weakling? Oh no, wag na wag mong sasabihin niyan sa harap ni…

BOOM!

Napatigil kami sa narinig, nakita ko na may dalawang dilaw na bagay ang dumaan malapit sa mukha nung leader ng sigma at tinamaan sa ulo ang dalawang kasama niyang duguan at ayun tulog ang dalawa.

'Sorry, we missed', sabi ni Angel.

'We’re actually aiming for your face', sabi ni Cynthia.

I forgot to mention, Cynthia is also a regular ng female team ng DIU tennis club. Paano siya nasali sa team? Simple lang background check, sa sobrang tagal na naming umalis sa Hikaru High nakalimutan na naming kasama pala namin si Cynthia sa Hikaru. Gumawa kami ng set of games na kapag nanalo siya sa lahat ng laban ay sasali na siya sa team.

Mess with Us and You're DeadWhere stories live. Discover now