Turn 21: Bad News

2.1K 18 2
                                    

A/N

pasensya na kung bumabagal na UD ko, nauubusan na ako ng idea, may hinihintay kasi ako para idugtong sa story eh... pero i'll try my best para makatapos ng madaming chapters na sana magustuhan niya... read, vote and comment po... tnx

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sai’s POV

Naglalakad kami ngayon papasok ng HQ, kakabalik lang namin from a mission ng buong Bansee. May mga nasugatan, sina Adrian, Ray and Aaron, sa last mission namin against a mafia na napagdesisyunan ng observers na pabagsakin dahil sila ang mga smugglers ng drugs papasok ng Pinas.

Dinala na namin sa infirmary sina Adrian, Ray at Aaron, ayun alalang alala sina Marj, Yana and Cynthia, napaghahalataan na yung si Cynthia ha. Habang ang iba, pumunta kami sa situation room para sa debriefing and pagusapan kung anong nangyari sa kani kanilang paningin.

Marami kaming napagusapan habang naghihintay kami doon sa mga nasa infirmary, isa na dito ang regional match ng tennis club namin. We set schedules and training regiments para lalong lumakas ang team namin, we also scouted, via net, kung sino ang mga makakalaban namin.

'Eto na pala ang mga love birds eh', sabi ni Ivory.

'Kahit kelan ang bilis mo, kaw laging nakakahalata agad', sabi ni Angeli.

Tinignan ko yung anim, wala lang kina Adrian, Marj, Ray and Yana, alam naman namin ang tungkol sa kanila, pero ang kina Aaron and Cynthia eh parang si Ivory pa lang ang nakahalata. Namumula yung dalawa at biglang napabitaw sa pagkakahawak sa braso ni Aaron si Cynthia.

'Huli!', sabay sabay namang sabi ng iba kong kagang.

'Alin?', sabay na sabi nina Cynthia and Aaron.

Tawanan lang ang buong grupo dahil sa reaction ng dalawa, namumula sila. Ito naman kasing Aaron bakit ang torpe nito.

'Kayong dalawa umamin kayo, kung hindi alam niyo naman siguro mangyayari', sabi ni Wifey, hala seryoso siya magsalita, lagot tong dalawa.

'Ano… kasi…', sabi ni Aaron.

'Ahh… Ehh…', hindi din makasagot si Cynthia.

Pinaupo na sila at pinwesto sa gitna, pinalibutan namin sila, kami by pair pero ang mga single edi wala sila magkakatabi.

'Sai, anong parusa kapag may tinatago sa grupo?', biglang tanong ni Ivory.

'Hmm… hindi naman ako ang namamarusa, Angeli ano sa tingin mo?', sabi ko kay Angeli.

'Alam ko na… Nic paabot ng dalawang vial diyan sa kabinet', sabi ni Angeli kay Nic.

Kinuha ni Nic ang dalawang vial, pero kita sa mukha niya ang pagkabigla.

'Diba ano to…', sabi niya and sabay abot kay Angeli ang dalawang vial.

'Yup, truth serum', sabi ni Angeli with an evil smile.

'Kahit kelan sadista', sabay naming sabi ni Wifey.

'At kailangan sabay?', inis na tanong ni Angeli.

'Easy lang baby', sabi ni Nicko.

'Manahimik', sabi ni Angeli kay Nicko, si Nicko naman walang nagawa.

'Back to the topic', sabi ni Angeli.

Mess with Us and You're DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon