Turn 14: Tennis Tournament pt. 2

2.3K 19 3
                                    

A/N

thanks for reading, voting and paglagay ng comments, sports part naman po, sana magustuhan niyo, mga Prince of Tennis lovers jan, minodify ko lang ung ibang moves pero alam kong familiar ito para sa inyo.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sai’s POV

Nanuod na kami ng mga games ngayon, kasama ko si Wifey.

'Sorry Hubby kung hindi ko agad sinabi sayo ha', sabi niya.

'Ayos lang, alam ko namang kaya mo namang ihandle eh. Pero pwede next time sabihin mo, nagaalala ako eh', sabi ko sa kanya.

'Opo Hubby', sabay yakap sa akin.

'Nuod tayo ng mga makakalaban natin', sabi ko.

'Sige', sabi niya then punta sa court kung saan may laro ang makakalaban namin.

Habang nanunuod na kami, napapaisip na ako ng line up namin para sa game namin mamayang hapon, isa lang naman ang game namin ngayon.

'Tara, tapos na din ung laban. Alam na natin sino makakalaban naming mga lalaki, how about yung sa inyo?', tanong ko kay Wifey habang naglalakad kami pabalik sa meeting place namin.

'Same school ng makakalaban niyo, pero kaya yan', sabi niya.

Pagdating namin doon sa meeting place namin, sunod sunod nang nagsidatingan ang mga kateam namin, kanya kanya ng report doon sa mga napanuod nilang game.

'Okay for our first match, same school with the ladies, De Vera Institute', sabi ko.

Sinabi na ni Cynthia ang information regarding sa male and female players, inintindi ng maayos ng mga kateam namin ang bawat detalye tungkol sa makakalaban namin.

'First game, Denver singles 3, Aaron and Ray doubles 2, Drei singles 2, SEY and Raven doubles 1, Adrian singles 1, and reserve Nicko. Don’t let your guard down', sabi ko.

'Ladies, Cynthia singles 3, Ivory and Reanne doubles 2, Angeli singles 2, Yana and Marj doubles 1, Hana singles 1, and I will be on reserve', sabi ni Wifey.

'Our match will be held at court 3, 4 pm', sabi ko, then kumain na muna kami.

'Boss bakit hindi kayo maglalaro?', tanong ni Adrian, matanong talaga to.

PAK

'Aray, marj naman masakit un', sabi niya sa girlfriend niyang sadista.

'Eh ikaw ba naman kinukwestyon mo ba desisyon ni boss?', tanong ni Marj sa kanya.

'Hindi naman, nagtaka lang ako', sabi ni Adrian.

'Kayo na muna, Nicol next game ka na lang ha, ayos lang?', sabi then sabay tingin kay Nicol.

'Ayos lang Sai, inaantok pa ako kaya baka hindi ako makapaglaro ng maayos', sabi ni Nicol.

'Sus, busy lang sa nililigawan. Sai pagsabihan mo nga yang Nicol na  yan laging puyat yan dahil jan sa nililigawan', sabi ni Ivory.

'Oi Ivory, ano nanamang sinusumbong mo?', sabi ni Nicol.

Eto nanaman po sila, magaaway nanaman ang mga pinsan ko, parang bata lang.

Mess with Us and You're DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon