Turn 43: Where it all Begun

1.8K 17 2
                                    

A/N

sorry for the late UD... read, vote and comment naman po.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sai’s POV

'Dad do you know Chigetsu?', tanong ko kay dad.

'It’s like this', sabi ni dad then nagsigh siya ng napakalalim.

Nagiba ang expression ni dad bago siya magsalita.

'Chigetsu, the leader of Viper is actually… my older brother, Nathaniel Cyrus Dizon, father of Shinji Dizon', sabi ni dad ng naka yuko.

'But I thought… he died a long time ago', sabi ko kay dad.

'That’s also in my mind… but clearly that’s him', sabi ni dad sa akin.

'It all started between us, then the agency told the family of Cyrus-niisan that he died. Shinji had a grudge on me because he thought I left his father to die in our last mission', sabi ni dad.

'What?', bigla kong natanong kay dad.

'It’s like this…', nagumpisa na magkwento si dad.

Third Person POV

Flashback

It was the time na nasa mga early twenties pa ang tatay ni Sai at ang tatay ni Shinji, during that time ang magpinsang Sai at Shinji ay close pa sa isa’t isa. By that time sasabihin na din kung sino ang magmamana ng Eagle Eye dahil nasa deathbed na ang ama nina Cyrus at Saji.

'Master Cyrus and Master Saji, pinapatawag po kayo ng father niyo po', sabi ng maid sa magkapatid.

Si Nathaniel Cyrus Dizon ang panganay ng main branch ng Dizon clan, siya ang tipong mahilig sa giyera, sa action, pakikipaglaban. Sabi nila siya daw ang susunod na magiging head ng Eagle Eye. Saji Dizon, bunsong anak, dalawa lang ang anak ng current head ng main branch ng Dizon clan. Saji is the one doing the most appropriate decisions, humahanap ng way para maiwasan ang pagdanak ng dugo. He is a good leader, strategist, he could persuade politicians through his words.

Pumasok na sila sa kwarto ng kanilang ama, lumapit sila doon sa higaan ng kanilang ama at sinabi na ng family attorney ng Dizon family ang last will ng kanilang ama.

'For the companies, real estates, and manufacturing properties of the current head of the Dizon family, it is given to the eldest son, Nathaniel Cyrus Dizon, may he continue to do innovation and enhance the performance of the said properties. For the youngest son Saji Dizon, the university, housing, ShadowTech group of Companies and Eagle Eye agency will be given to him, with his wise decision making and good leadership may he continue to do great things with the help of those properties that are entrusted to him', sabi ng attorney.

Kita sa mata ni Cyrus ang bigla dahil hindi sa kanya napunta ang Eagle Eye at sa bunso pa niyang kapatid ito napunta, biglang nagwalkout si Cyrus doon sa room ng kanilang ama dahil sa galit na dulot ng last will ng kanyang ama.

'Stop', mahinang sabi ng ama nina Saji nung hahabulin sana niya ang kanyang kuya.

'Let him be alone for the mean time, lilipas din yan… hindi lang niya agad natanggap', sabi ng dad nila.

'Dad… why give it to me? Alam mo namang gusto ni kuya ang Eagle Eye above anything else', sabi ni Saji.

'Yes we are secret agents who kills our targets if necessary… your brother only wants the side of the agency that do its goals thru bloodshed. Me and your uncles and aunts formed Eagle Eye to stop wars and conflicts by finding ways to stop them without using force, but if it can’t be helped we will use deadly force to stop the fightings, that’s why I gave it to you, your uncles and aunts agreed with it. You have great decision making skills, you could persuade other people with your words and most of all… you carry the ideals of the founding members of Eagle Eye', sabi ng kanilang ama habang si Saji ay nakaupo lang sa kanyang tabi.

After few weeks hindi pa rin nagpapansinan ang magkapatid, nagkaroon sila ng gap dahil doon sa last will ng kanilang ama.

Dumating ang araw na namatay ang kanilang ama, pero wala pa ding pagbabago sa kanilang pakikitungo sa isa’t isa. Nagkakasalubong lang sila sa kanilang mansion at sa agency pero ang tingin ni Cyrus kay Saji ay hindi na tulad ng dati, cold ang stare ni Cyrus sa kanyang nakababatang kapatid. Sinusubukang makipagusap ni Saji sa kanyang kuya pero lagi nitong sinasabing busy siya sa kanyang mga missions kahit na wala naman siyang ginagawa, iniiwasan niya talaga ang kanyang kapatid.

Buwan ang nagdaan then nagkaroon sila ng mission na magkasama ang magkapatid. Target nila ngayon ay mga narcotics sa Brazil, kailangan nilang patumbahin ang clan na nagpapatakbo sa drug plantation sa bansa.

Nagumpisa na ang kanilang mission pero wala pa ding pagbabago ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa, hanggang matapos nila ito at tinitipon na lang nila ang kanilang mga nahuli.

'Boss there’s someone trying to escape using a pickup truck', sabi ng isa sa kanilang mga kasama.

Tumakbo si Cyrus para habulin ang mga tumatakas, pero hindi niya hinintay ang utos ni Saji.

'Damn… get the Kamikaze on the horn, tell them to follow agent Chigetsu and shoot the escaping captives', utos ni Saji.

From a distance narinig ang pagsabog na napakalakas kaya napaluhod lahat ng mga agents na kasama ni Saji.

'What the hell is that?', tanong ni Saji.

'Sir we lost the signal from agent Chigetsu', sabi nung isa agent na kasama nila.

'What?', sabi ni Saji.

'Confirmed explosion along the path that agent Chigetsu is heading', sabi nung isa na kausap ang mga units ng Kamikaze.

'Send the SAR units and find agent Chigetsu at all cost', pasigaw na sabi ni Saji.

Nagkaroon ng search party para mahanap si Cyrus, pero araw, linggo, buwan hanggang taon ay hindi pa nila ito nahahanap kahit labi man lang.

Nagkaroon ng formal burial rights para kay Cyrus at sinabi sa kanilang pamilya na namatay si Cyrus habang ginagawa ang isang mission. Kaya ganoon na lang ang galit ni Shinji sa kanyang tito Saji dahil ang alam niya ay pinabayaan niya ang kanyang ama at gaganti siya sa kanyang pinsan para maranasan niya ang mawala ang mga pinaka importanteng bagay at tao sa kanya.

End of Flashback

Sai’s POV

Ganun pala ang kwento nina dad and tito Cyrus, pero ang hindi ko maintindihan ay paanong nagsurvive si tito Cyrus mula sa pagsabog na nangyari noong last mission nila. Hindi kaya gawa gawa lang niya yon para makalabas ng agency at umpisahan ang Viper?

'Cynthia, I want the history of Viper, everything about them… I want you to take the best solvers from all our remaining agents to help you with this one', sabi ko.

'Boss for what?', tanong ni Cynthia.

'I want to trace the background of its origin, its founder, and its current leader and I want it ASAP', sabi ko kay Cynthia.

Nagumpisa na sila sa mga ginagawa nila, marami pa kasing inutos sa amin si dad dahil nabawasan an gaming force dahil sa atake na ginawa ng Viper sa mga branches namin.

'It’s time to contact our assets', sabi ko then naglakad na kami papunta sa communications rooms

'SAM, connect me to all the devices we left to all our assets', sabi ko.

'Your now connected master Sai', sabi sa akin ni SAM.

It’s time to make our move, habang ang mga assets namin ay pinoprotektahan ang mga designated places nila, kami namang mga agents ang magddeal sa main force ng Viper na lumabas sa North Pole.

 -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N

now we know the past... ano kayang gagawin nila ngayon para maayos to?

Next Chapter

Mess with Us and You're Dead Turn 44: Start of War

Mess with Us and You're DeadWhere stories live. Discover now