Turn 40: Anniversary

1.9K 20 3
                                    

A/N

sorry po kung natagalan UD, bday lang po kasi ng author, sorry talaga... read, vote and comment naman po. enjoy reading...

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sai’s POV

Andito kami ngayon ng mga friends namin, Banshee and Alliances pati ang mga friends ni Nic na kasama namin as agents pero hindi alam ni Nic, sa EK to celebrate ang first anniversary namin ni Wifey.

'Boss anong plano mo?', tanong ni Adrian sa akin.

'Mamaya kinausap ko na ang management ahead of time', sabi ko habang naghihintay kami sa labas ng EK para sa mga kasama namin.

Nauna kaming mga guys kasi kasabwat din namin ang mga girls para dito.

'Tara na boss malapit na daw sila eh', sabi ni Aaron.

'Sige, punta kayo dito', sabi ko then bigay ng mga papers na may location na dapat nilang puntahan. Twelve locations yon para sa surprise ko kay Wifey.

Nagsialisan na sila para doon sa part nila dito sa surprise ko, now it’s my turn. Sa may ferris wheel ako maghihintay. Kinausap ko na ang management para dito and kita ko na silang dumarating kasama ng iba naming mga kaibigan at ally.

Angel’s POV

Andito na kami ng mga girls sa EK, sabay kaming dumating dito ng mga allies namin.

'Angel, here', sabi ni Ana sa akin bago kami pumasok sa EK at may binigay na papel.

Nakalagay sa papel na pumunta daw ako sa Grand Carousel. Sinunod ko naman yun at nakita ko si Nic na nasa harap ng Grand Carousel.

'First stop', sabi ni Nic then may binigay siyang isang red rose and isang heart na papel.

'note'

Remember the day we first met? I’m just a nerd guy at our former school, hindi mo nga  pinansin na nerd ako eh at nilapitan mo na ako. Here’s a small secret, before mo pa ako nakilala ay crush na kita.

-Hubby.

'Here’s the next stop', sabi ni Nic then binigay ang isang papel na may nakalagay sa tapat daw ng Rio Grande Rapids.

Naglakad na ako papunta doon, ano nanaman kayang pakulo ang hinanda ni Hubby ngayon?

Kita ko si Nicol na naghihintay sa harap ng Rio Grande Rapids, pansin ko namang halos lahat ng mga nakakasalubong ko ay naka ngiti lang and minsan pati ang mga ally namin na lumilibot sa loob ng EK ay ganun din ang kanilang mga mukha.

'Here’s number two', sabi ni Nicol then bigay sa akin ng isa pang rose pati ng another heart shape na papel na may note.

'note'

The first time na magbonding tayo, sa totoo lang hindi ako masyadong komportable kasi nga diba may gusto ako sayo and naiilang kasi ikaw si Angel na kilala sa school. Pero nung nakilala mo na ako and nakilala na din kita ay naging komportable na ako sa iyo, si Angeli nga nakahalata na nga eh.

-Hubby

Hala ano to? Rewind ng mga nangyari sa amin sa loob ng isang taon?

'Here, your next destination', sabi ni Nicol then bigay ng direction sa akin.

Mess with Us and You're DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon