Chapter 1 : Change

358 8 2
                                    

Sulat ko para sayo:

Matinding fan fiction lang to, kung may pangyayari o pangalan na maaaring naencounter nyo sa totoong buhay - coincidence lang po yon... though, may iilang bahagi na totoo, merong mga pangalan dyan na maaaring narinig, nabasa o nakita nyo na, oo kakilala ko nga sila at kilala nila ako. Maisingit lang talaga sila para naman alam nila na hindi ako nalilihis ng landas, at saka kasi suportado naman nila ang nararamdaman ko para kay Jeric <3. HAHA. Joke lang. :) Feel free to comment ha!

Salamat po! Happy reading boys and girls!

PS. Patawarin nyo ko wala pang cover itong akdang ito. Gagawin ko bukas. Nahihirapan pa kong makarecover sa kinahinatnan ng Gilas Last Home Stand. T_T

Nagmamahal,

Hei Mao.

********************************

Maraming kakaibang nangyayari sa buhay ko lately - minsan isinisisi ko na nilagyan ko ng Taylor Swift songs yung iPod ko alang alang sa "girly vibes" na kinakailangan ko sa araw araw na ginawa ng Dyos. Labag man to sa human rights ayon sa sarili kong constitution.

"It's hard to fight when the fight ain't fair."

"They might be bigger but we're faster and never scared."

Naglalakad ako from the street corner where I went off from the jeep that I rode. Papunta ako sa boutique na inopen namin ni Zenne. Malayo sa aura ko kasi kahit pa gaano ka-girly ng stuff na mabibili mo sa Le Chat Noir (The Black Cat in english - hindi kami naniniwala na malas ang itim na pusa, lagi kasi kaming sinuswerte e. O nagkakataon lang) - ako yung isa sa mga nagdedesign ng mga outfits pero I'm more hands on sa photos for catalogue tsaka sa social media pero I'm not the usual close to Liz Uy o Laureen Uy na tao kung manamit at pati na rin sa lifestyle - no offense meant, hindi lang talaga ako yung designer-type na designer... Yan ang simpleng rason kung bakit kinakailangan ko si Taylor Swift uma-umaga on my way to the shop.

"Maaga ka ngayon yawning Tiger." Bati ni Zenne sakin na may pangiinis.

Matagal na kaming magkakilala and she knows that if my flash lens RayBan shades is back on action at maaga ako sa dating oras ng pagdating - may eye luggage na nagkukubli sa ilalim nito. Tama, hindi eye bags... eye luggage sa sobrang lalim. Minsan nga may excess baggage pa, may additional fee. Boom, waley!

"Ikaw lang talaga yung kilala namin na nananaginip pero puyat. Awesome." Sumegunda pa to si Chammy. Isa pa syang kabarkada namin ni Zenne. Sya naman yung in-charge sa photo sessions. Sya ang aming dentista slash photographer extraordinare. Naikwento ko kasi sa viber na nakakabother na yung guy with UST varsity bag sa panaginip ko kaya alam nilang madalas akong managinip - kaya dapat walang eyebags kasi madaming tulog.

Sa shop sila madalas magbreakfast, kagaya ngayon, inabutan ko silang nag-aalmusal. Isa sa mga bagay na nakalimutan ko ng gawin, o sabihin nalang nating kinalimutan na.

Napailing nalang ako... Nagstart na ko magcheck ng orders, payments, reservations, inquiry and God-knows-lahat-na-ng-pwedeng-icheck, Normally we spend a good 8-10 hours sa shop everyday to attend to its daily operation. Chammy and Zenne are blessed with understanding boyfies kaya hindi gaanong nagdedemand ang mga ito sa oras - something I thank God for everyday.

*****************************

"Parang di maipinta yang muka mo Kuya a." Bati ni Jeron sakin pagkakita nya sakin pagkatapos nyang uminom ng tubig sa may dining table.

"Nababaliw na yata ako e." Sabi ko sa kanya while touching my head tapos parang inii-stretch ko yung leeg ko na na-stiff neck yata kasi di ako nakagalaw ng maayos kagabi sa pagtulog.

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon